TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*
Mathilda's Body
JEWEL
"Are you out of your mind?!" may diin ang boses na pagkakasabi ni Zero sa'kin. Ano namang klaseng pagbati ito para sa'kin? Hindi ba niya ako na-miss? Matagal-tagal din kaming di nagkikita. "Dahil sa kalokohan mong yan, malaki ang posibilidad na matuklasan nila ang tinatago natin sa building na yun! At pag nangyari yun, mananagot ka sa Queen," nanlilisik ang mga mata nito sa'kin.
Ganyan ba ang karaniwang ugali ng dati mong pinaglilingkuran? Ngayon na kapantay ko na siya, there's no way na maliitin pa niya 'ko. I will do whatever I want, at wala na siyang magagawa roon.
"I know what I am doing. Better keep your mouth shut, Zero!" mapang-asar kong turan. Sandali akong tumigil sa paglalakad at muli itong nilingon. "I no longer receive orders from you kaya naman wala ka nang karapatan upang diktahan ako. Mas mabuti pang bumalik ka na lang sa Mnemosyne at panoorin mo kung paano ko pababagsakin ang Denver Ramirez na sa pagkakaalala ko'y 'di mo kayang talunin."
Aalis na sana 'ko nang magsalita pa ito.
"Hindi mo parin ba alam? The Phoenix will move to Mnemosyne too. Kung inaakala mong tuluyan mo nang mapapalitan si Hyena bilang one of the generals, nagkakamali ka. There'll be Phoenix upang agawin ang inaasam mong trono. Kaya wag kang pasiguro," natigilan ako sa sinambit ng Zero na yun.
Bakit?!
Hindi 'to pwede!
Hindi ako papayag na mapunta lang sa wala lahat ng pinaghirapan ko!
No one can ever replace me. Especially to the eyes of Queen. No one!
°°°°°°°
JAMMY
Narito kaming muli sa CR ng building Zeus. Ayon kay Denver, kung maliit ang posibilidad na nakuha na ng club president ang nakasilid na audio recorder sa ilalim ng mga sink na narito, marapat lamang na narito parin yun hanggang ngayon. Pero, bakit wala kaming nakita ni isang audio recorder sa ilalim ng sink? Ang tanging narito lang ay bakas ng tape na posibleng ginamit upang i-withhold ang audio recorder.
"See, multo talaga yun!" takot na takot na tinuran ni Eloise. Napa-head-palm na lang ako sa winika niya.
There's no way na mag-exist ang multo. Why she keeps convincing herself. Tinatakot niya lang ang sarili niya.
"What do you think, bro? Is it not the club president? Maybe another one na lumapit sa mga sink," ani ni Austin. "Like what I said, his partner," dagdag pa nito.
Tahimik lang si Denver pero hindi ito mapakali, at tila inuutusan ang sariling mag-isip pa.
"Maybe it's not under the sink. Maybe another location na madali lang maaabot ng club president. The tape might just be a bait to dead end," tugon nito.
"Pero walang mga signs na may nagdikit ng audio recorder sa paligid ng pinto. Isa pa, giniba ang pinto na 'to upang makapasok kagabi. Kung may iba siyang pagtataguan ng audio recorder, posibleng sa first cubicle at sa itaas ng pintuan yun nakalagay," saad ko. Tumingala ako at tumingin diretso sa taas ng pintuan. Wala ring makitang signs na may idinikit na kung ano roon.
BINABASA MO ANG
Mystique Club: Operatives
Mystery / ThrillerAn English university student, Jammy Akira Fernsby, had to move to the Philippines to forget the painful incident she was involved in. Far from what she could imagine, more horror and fear await her at a new prestigious school: Mnemosyne Academy. Al...