TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*
The Trick
JAMMY
“Walang meron sa ibaba? Then there's two possible conclusion. May nauna nang kumuha sa mahalagang gamit na sinilip niya sa ilalim ng cabinet, or maybe, wala talagang meron sa ilalim.” Napakunot ako sa naging pahayag ni Denver. Is he for real? Seryoso ba siya? “At may kung sino na nag-utos sa biktima na silipin ang bagay sa ilalim upang dumapa ang biktima. But the truth is, wala naman talagang meron sa ilalim and it was just dictated to execute the bait. And base to my surmise, the request must be from the one who texted him before he went to the veranda,” nakangising turan ni Denver.
So does it mean hindi ito simpleng aksidente lang but an attempt to murder?!
Naglakad si Denver papasok ng room. “The moment na dumapa ang victim at sinilip ang ilalim ng cabinet was also the time ng pagbagsak ng pigurin sa ulo niya. Kakwestiyon-kwestiyon ang mga pangyayaring yun. The figurine weighs about four to five kilos and has six to seven inches in diameter. Hindi yun basta-bastang mahuhulog mula sa flat surface. Unless, may nagtrigger nun para mahulog exactly the moment when the victim lies facing the floor,” patuloy nito.
“Ano bang nais mong sabihin? Na may nagtangka sa buhay ni Ivan?” pasigaw na turan ni Ella kay Denver. Muli na namang bumuhos ang luha nito sa mata na kanina pa niyang pinipigilang bumagsak.
Napapalakpak naman ang babaeng kasama ni Denver.
Maaliwalas na ngiti ang ipinaskil nito sa mukha. “Ang galing-galing mo talaga Denver!” saad ni Claire.Muli lamang nagsalubong ang kilay ko dahil sa kaartehan nito. Binabawi ko na ang pagpuri ko sa kanya kanina. Hindi siya maganda.
“Officer Evans, nasan na ang copy ng text conversation ng biktima bago siya mawalan ng malay?” sigaw naman ni Inspector Tan sa isang police officer.
Dali-dali itong lumapit at iniabot ang tatlo hanggang apat na piraso ng mga papel.
(8:01 am. Saturday, 08/13/18)
Mom: Ivan, dear, nasan ka?(11:46 am. Saturday, 08/13/18)
Mom: I'm sorry if I haven't answered your calls yesterday. I was too busy, eh.(5:33 pm. Saturday, 08/13/18)
Mom: Ivan, happy birthday, dear. There's a gift I hid under the display cabinet. Kindly check of it. Hope you'll like it, dear. Again, happy birthday.(5:33 pm. Saturday, 08/13/18)
Ivan: Really, mom? Of course, I will appreciate it, like it, and love it. Ngayon pa nga lang na-eexcite na 'kong makita yun.(5:34 pm. Saturday, 08/13/18)
Mom: That's good, son. Anything for you.Kung ganun, momma niya ang kausap niya kanina? How weird naman na sa ilalim ng cabinet niya itatago ang gift niya para sa anak niya?
“This is unbelievable!” sigaw ni Ella matapos mabasa ang hawak na copy. “Imposible ang iniisip niyo! Nasa Canada ngayon ang mommy ni Ivan!” protesta nito.
Hindi lamang ito pinansin ni Denver bagkus ay nagpunta lang ito sa veranda at nag-inspect. Matapos niyon ay bumalik ito sa loob, at binuhat ang isa sa mga upuan at dinala sa veranda.
BINABASA MO ANG
Mystique Club: Operatives
Mystery / ThrillerAn English university student, Jammy Akira Fernsby, had to move to the Philippines to forget the painful incident she was involved in. Far from what she could imagine, more horror and fear await her at a new prestigious school: Mnemosyne Academy. Al...