TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*
Another Angle?
JAMMY
I saw no Sheila inside our classroom. Akala ko ba maaga siyang pumasok? Bakit wala siya? Absent ba siya?
This is something strange. Hindi pa umaabsent si Sheila since napadpad ako rito sa Mnemosyne.
Nang sumapit ang lunch break ay dumiretso ako sa Mystique Club. I saw Denver and Austin there talking about something. I guess, it was about Zero, Ezekiel, or Benjamin. Whatever the name he wanted to be addressed.
“Hi, Denver, hi, Austin,” bati ko sa dalawa nang mapansin ako mula sa pinto.
“Bukas na ang libing ni Sam. So, expect me not attending the class tomorrow,” seryosong sabi ni Denver. Nakaupo itong muli sa swivel chair niya't nakapatong na naman ang paa sa mesa. Yeah, the usual posture of Denver whenever he's in here.
“Yeah, noted,” wika ko saka ngumiti nang pilit.
“Austin wants to continue the investigation 'bout Eloise's and Isay's death. If there's something you can do to help, just please reach out to him,” dagdag nito.
Tsk. Mukha siyang mamamaalam na sa way ng pagsasalita niya. Gusto na ba niyang sumama kay Sam? I hid my giggles from Denver for what I have thought.
“We should only confirm if totoo ang mga statements na iniwan sa'tin ni Claire. Kung totoong nasa club nga siya ng Drama and Arts nung mga oras na pinatay si Eloise at Isay, at kung mapapatunayan nating wala siyang kinalaman sa pagpatay isa man sa dalawang biktima, na sa tingin ko ay malabo. We should look for another angle,” wika naman ni Austin. He still wears that blue arm sling. Mukhang di pa tuluyang bumubuti ang kaniyang balikat.
I nodded in response.
“Siya nga pala, Claire is still under the police custody habang wala pang sumusuporta sa alibi niya,” turan muli ni Austin.
“Muntik ko nang makalimutan. Yung pair of earrings ni Eloise,” wika ni Denver na ngayo'y umayos na ng upo. “Babalik sina Inspector Tan para magsagawa ng searching sa room ni Claire. This missing piece of earring will be the strongest evidence that will point against her. The blood stains on that other pair of earring ni Eloise will be enough to convict Claire for killing Eloise.”
Matapos niyon ay nagpaaalam na 'ko sa kanila. Kailangan ko pang humabol sa cafeteria to take lunch. Habang papunta sa cafeteria ay nakita ko si Sheila and Kristine sitting next to each other sa may benches ng soccer field.
Huh? Bakit niya kausap si Kristine ngayon? Ang babaeng nakipagsabunutan sa harap ng cafeteria noong araw na pinatay si Isay.
W-w-w-wait! Nagkataon lang ba 'to? O may kakaibang koneksiyon ang dalawang 'to?
Ito na ba ang sinasabi ni Austin na another angle?
Whatever Sheila and Kristine's business to each other, I need to consider it.
Matapos kong kumain ng lunch ay hiniram ko ang laptop ni Denver at nagpunta sa library. Di ko dala ang sarili kong laptop dito sa campus, 'di ko rin naman yun madalas gamitin.
BINABASA MO ANG
Mystique Club: Operatives
Mystery / ThrillerAn English university student, Jammy Akira Fernsby, had to move to the Philippines to forget the painful incident she was involved in. Far from what she could imagine, more horror and fear await her at a new prestigious school: Mnemosyne Academy. Al...