Chapter 7: The Bait

15 8 1
                                    

TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.

°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*

The Bait



JAMMY

KATATAPOS LANG ng last subject before lunch nang dumating ang mga police mobile sa tapat ng Arachne Building. Doon ang dorm nina Joshua, Mikael at Lester.

Alam na ba ng mga pulis kung sino ang culprit? Nahanap na ba nila ang evidence laban sa killer?

Imbes na sa cafeteria na kabubukas lang ang tungo ng mga estudyante, doon sa harap ng Arachne building sila nagpunta upang makiusyoso sa nangyayari.

“Jammy! Ano pang hinihintay mo? Tara na sa Arachne building. May nagreport daw na itinago ng killer sa damitan niya yung scalpel na ginamit sa pagpatay kay Martin,” pangungumbinsi ni Eloise sa'kin na sumama sa kanila.

What? Pero naghalughog na sila sa bawat dorm kahapon, ah. Pero wala silang nakita ni isang ebidensiya. How odd na may makakaalam na itinago ng culprit ang murder weapon sa sarili niyang damitan? Wag mong sabihin na….

Madali akong sumunod kay Eloise upang makiusyoso rin. Oo na, tsismosa na kung tsismosa, pero sa palagay ko, mas lalo lamang gumulo ang lahat.

Agad na ipinatawag ng mga pulis sina Joshua, Mikael at Lester para hingin ang kanilang permiso na muling halughugin ang kanilang unit. Nang dumating ang tatlo saka pa mas lalong dumami at naging maugong ang bulungan sa paligid.

Sa gitna ng matinding kuryosidad na marahil ay namamayani sa bawat isa na narito sa harap ng Arachne building, ay nagtanong si Sheila. “Jammy, sino kaya sa kanila sa tingin mo ang pumatay kay Martin?”

“Hindi ko alam. Wala akong ideya,” pagsisinungaling ko. Masyado na kasing magulo ang mga kaganapan upang ituro pa si Joshua bilang suspect. Kung tutuusin ay ligtas na sana siya sa pagsususpetya kung hindi na magkakaroon pa ng pangalawang paghahalughog sa kanilang silid.

Nagulat naman kaming dalawa ni Sheila sa biglaang sambit nito. “Si Austin!”

Dahil sa narinig ay napatigil kami nang bahagya at nabaling ang mapagtanong na mga titig kay Eloise. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa tatlong pinagsususpetyahan.

“Eloise…” malungkot na turan ni Shiela.

“Si Austin ang pumatay, hindi ba? Sa kanilang apat, si Austin lang ang hindi nagpunta sa cafeteria noong nakaraang araw dahil inasahan na niya na patay na si Martin.”

Teka… papaano nalaman ni Eloise na hindi nagtungo si Austin sa pinangyarihan ng krimen kung bago pa dumating sina Lester at Mikael doon ay pinabalik na kami ng mga pulis sa aming mga dorm?

Mystique Club: OperativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon