Chapter 2: Mnemosyne Academy

57 13 14
                                    

TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.

°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*

Mnemosyne Academy


JAMMY

Kinabukasan,

So you're leaving? Tila cool na nakapamulsa at nakasandal sa dingding malapit sa pinto itong si Andy habang ang isa nitong kamay ay hawak ang isang mug na may laman na kape.

Nairita lang ako nang makita siya. Alas-dyis na ng umaga pero naisipan niya paring magkape? Ano ba sa tingin niya ang lugar na 'to? North pole?

I mentally rolled my eyes. You must celebrate, the cat is leaving. But he just laughed on what have heard.

He's playing cards with me, huh? You can't bluff me, Andy, I know you are eager to assault me by any moment, nagpipigil ka lang.

Nagpaalam na si Yaya Lorena sa'kin at si mang Nestor naman, ipinasok na ang mga gamit ko sa trunk ng kotse, pati na rin yung kahon na idiniliver ng Mnemosyne kahapon. Sabi ni yaya Lorena, mga gamit ko raw iyon sa school, nandoon na rin daw yung susuotin kong uniforms. Mabuti naman at 'di ko na kailangan pang dumaan sa mall para lang maghanap ng ganoong klase ng uniform.

What kind of school naman kaya ang lilipatan ko? saad ko sa sarili. Napabuntong hininga na lamang ako sa naisip. Narito ako upang kalimutan ang kahindik-hindik na pangyayari sa nagdaan kong school, and this new one, must be the more peaceful and normal university.

After a long, long trip, tumigil ang sasakyan sa harap ng mataas na luntiang gate na may mga nakakabit na mga letra sa ibabaw nito.

Mnemosyne Academy, bulong ko sa sarili.

Bumaba na 'ko't nagpasalamat sa driver matapos nitong ilapag sa tabi ng gate ang mga gamit ko. Lumapit ako roon saka tumingala't tinignan ang pinakatuktok ng gate. Wow, galit na galit siguro ang school na 'to sa mga class ditchers. Talagang hindi maaakyat ang ganitong klase ng taas ng gate at dingding only by your bare hands. You need at least a rope or whatever to help your self to pass such height.

Ms? Are you Jammy Akira Fernsby? Isang makisig at bilugang guwardiya ang tumawag ng atensiyon ko.

Yes.

Lumapad ang ngiti nito sa akin bago may kung ano itong pinindot mula sa loob bago kusang bumukas ang malaking gate. Napansin ko ring nahati sa tig-isang salita ang mga letra na nasa ibabaw ng gate nang magbukas ito. Wow! Automated!

Unang hakbang ko papasok ay may red thick light na nanggagaling sa poste ng gate na dinaanan ako pataas at pababa na tila nag-i-scan. Sumenyas pa nga si manong guard na tumigil muna sa paghakbang at manatili sa kinatatayuan ko. Matapos niyon ay muli itong sumenyas na kailangan ko nang pumasok. Nang makalagpas na 'ko ay iniabot nito sa'kin ang isang tablet at isang susi.

Mystique Club: OperativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon