TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*
Jewel is Thyke
JAMMY
“Teka! Pamilyar talaga sa'kin ang handwriting na 'to,” saad ko saka napaisip nang maigi.
Saan ko nga ba huling nakita ang ganoong klase ng handwriting? “Hindi ko lang maalala kung saan at kung kailan, ngunit sigurado akong nakita ko na 'to dati,” pagpapatuloy ko sa sinasabi.
“What does it mean? Patay na si Zero? And who's this Hyena is he talking about?” nagugulumihanang tanong ni Austin.
“It's Bartolome. Bartolome is Hyena. I saw a tattoo on his arm with fonted text: Hyena. Now, it's getting clear. May kinalaman ang treasure hunting sa Palawan at sa kung sino man ang pinagsisilbihan ni Bartolome. And there's a big possibility na ang Jewel na 'to ang nag-assassinate kila Bartolome since walang bakas ng activities ni Zero hanggang sa ngayon. Posibleng patay na nga siya or either, Zero is just waiting for his time,” sagot naman ni Denver.
“Whoever this Jewel is, we must monitor his actions, and what's the reason why he introduced himself,” saad naman ni Austin.
“Kapag naalala mo na kung saan mo huling nakita ang gan'tong klase ng handwriting. Let me know. We could start with that,” tagubilin sa'kin ni Denver.
Sabay-sabay na kaming naglakad pabalik sa classroom.
Sa daan ay pirmeng nakapako't pinagmamasdan ko si Denver. Naaalala ba niyang sinabi niya sa'king magkikita kami after class sa Athena's building? Or, he's just good upon acting upang walang makahalata na balak niyang makipagkita? You know, to avoid gossips from our classmates and co-member sa club.
Itinapon ko na lamang sa isip ang posibleng dahilan ng hindi pagbabanggit sa'kin nung pag-aaya niya sa'kin makipagkita. I will crumple him wholely kung isa na naman 'to sa prank niya. Argh! I hate that thought!
Ilang minuto na lang para sa last subject before the class ends ay tumayo't nagpaalam si Thyke kay sir Mendoza na gagamit ito ng banyo. Himala at parang antahimik ni Thyke ngayon. Di niya ko pinapansin mula pa kaninang umaga. Teka! Nasaktan ba siya sa madalas na pag-iwas at pagtanggi ko sa kanya nitong mga nakaraang araw?
Napansin ko ang naiwan nitong notebook sa table nito.
Wait! Pamilyar ang isang 'to.
Madali kong inilabas mula sa bag ko ang note na nakuha ni Denver sa maintenance room kanina. The note of Jewel. It matched! Iisang handwriting lang ang ginamit sa note ni Jewel at sa handwriting ni Thyke!
Ibig bang sabihin…
S-si Thyke ay si Jewel?! How come?!
Balak ko sanang puntahan si Denver ngayon pero hindi ko napansing tumunog na pala ang bell kanina pa. Lumabas na ang karamihan sa mga kaklase ko at ako na lamang ang natitirang estudyante sa room.
Lumabas ako't hinanap sa labas ng classroom si Denver. Baka sakaling makita ko siya bago ito bumalik sa—
Teka! Oo nga pala!
Sa Athena's building!
Madali kong tinungo ang rooftop ng Athena's building upang kitain si Denver. Para na rin masabi ko ang nadiskubre ko.
BINABASA MO ANG
Mystique Club: Operatives
Mystery / ThrillerAn English university student, Jammy Akira Fernsby, had to move to the Philippines to forget the painful incident she was involved in. Far from what she could imagine, more horror and fear await her at a new prestigious school: Mnemosyne Academy. Al...