Chapter Three

2.9K 111 44
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

Ngumiti si Gerard. "Morning, Ma." Binitiwan niya ako at saka siya humalik sa matangkad at ubod ng gandang babae. Infact, magkamukha sila. Her face was so small and she was wearing a long sleeves long dress in flower print.

I suddenly became conscious.

"Umalis na ang daddy mo," she sounded sad now and I felt the sadness for some reason. Tumingin siya sa akin.

"I know, Ma, nagpaalam siya sa akin kagabi, but don't worry about that, in three days ay nandito na ulit si daddy."

Tumango ang babae na hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Oh, sorry," sabi ni Gerard. "This is Annie Celeste," nilingon niya ako. He knew my last name! "Babe, my mother, Ana. You can call her Tita Ana." Then he chuckled. "Ang kulit ng pangalan ninyo."

Natawa ako ng mahina sa pagpipilit na alisin ang nerbiyos.

Ngumiti si Tita Ana at lumapit sa akin. Nakahinga ako ng maluwag. Taliwas sa inaasahan kong parang scene sa mga movie na matapobre ang pamilya ni Gerard. Malayo ang mommy niya sa mga iyon. Nilingon niya si Gerard. "What happened to Lisbet?"

Muntik nang manlaki ang mata ko. Inisip nito na bagong girlfriend ako ni Gerard? Parang pinawisan yata ako ng malamig!

"Annie is my friend, Ma," Gerard said smoothly.

Hindi itinago ng ginang ang malalim na hugot ng hinga. "Oh, good. Nagkaroon ka rin ng kaibigang babae. I told you it is neat to have one. Hindi kailangang lahat ng babae ay ikinakama mo."

Muntik na akong maubo.

Umiling lang si Gerard habang nakangisi.

"Let's have lunch, kakagising ko lang pero lunch time na." She faced me fully. "That's my life Annie. Ang asawa ko at anak ko ay ayaw akong pagtrabahuin. Sayang lang ang natapos ko sa college. Iniisip ko nga kung bakit ang mga nagiging girlfriend ni Gerard ay iyong mga nasa school niya o mga nag-aaral sa ibang school o nagta-trabaho. Alam naman namin na pahihintuin niya iyong magtrabaho pagdating ng araw."

Hindi kumibo si Gerard at sumunod lang sa amin.

I felt so uneasy na iginigisa ng babae ang anak sa harap ko.

Si Tita Ana ay hinawakan ako sa braso at iginiya pabalik sa kabila. Her hand was so soft and warm. Napakaganda at napakabait na babae, kaya pala ganito si Gerard, parang hindi marunong magalit.

"Babalik ba si Lisbet?" tanong niya sa anak na naglakad kabila ko. His hands were inside the front pockets of his jeans.

"No, Ma."

Medyo yumuko pa ito para matingnan ang anak at mailampas ang tingin sa akin. "Huwag mong sabihing nakipag-break ka na naman."

Hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong. "Si Lisbet ba 'yong babae na lumapit sa iyo kahapon?"

SUN AND MOON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon