CHAPTER SEVENTEEN

2.1K 96 113
                                    

EXTREMELY RELOADED

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EXTREMELY RELOADED

Lots of the scenes in this chapter are not in the book.

💖💖💖

ANNIE

I looked outside. Gerard was still there, still looking intently at me. 

Hindi ako makapag-concentrate.

Mawawala ang scholarship ko kapag laging ganito. I needed to study so bad!

Natapos ang klase nang hindi ko alam kung ano ang itinuro ni Professor Dimalanta. 

Nang maglabasan ang mga classmates ko ay hindi ako sumabay. Naiwan kami ni Lora sa loob ng classroom. Paglabas ni Prof ay pumasok agad si Gerard.

Nakita kong nasa labas pa ang mga classmates ko and they were looking inside at us. Totoo nga yatang tsismosa at tsismoso ang mga ito. Hindi lang halata. Pero ngayon sobrang given. Nakasilip pa talaga.

Agad na tumayo si Lora nang makita si Gerard. "Hintayin kita sa labas, Annie."

Hindi na ako nakasagot.

Si Gerard ay lumuhod sa harap ko at kinuha ang mga kamay ko. He kissed it. 

Gusto kong bawiin pero ayaw kong mapahiya siya.

Ano ang irarason ko kapag tinanong ako ng mga nakakakilala kay Lisbet? Alam nila na girlfriend iyon ni Gerard. Kanina pa ito halik ng halik sa lips ko. Kapag minalas, si Lisbet mismo ang ko-corner sa akin para magtanong.

"We have to talk," he whispered.

I gave up running. Nakakapagod din. Bago ko isipin ang ibang tao. I needed to talk to my bestfriend first. We really had to talk. "Okay, pero huwag dito, they are looking at us."

Tiningnan niya ang relo. "Gaano katagal ang break mo?"

"One hour."

"Let's go." Inalalayan niya akong tumayo.

I didn't have to ask kung saan kami pupunta. That was six months too late. He dragged me around wherever and whenever he wanted to. 

Tinalunton namin ang papuntang parking lot ng college department ko while he was holding my hand. Hindi naman bago iyon. Normal sa amin na hawakan niya ang kamay ko at alalayan ako. Doon lang talaga siya sumablay sa paghalik sa lips ko kanina.

Although, we did that last night, in a more intense way.

I blinked feeling my cheek blushed at the thought. Grabe talaga ako kagabi. Hindi ako dapat umiinom. Dapat talaga isumpa ko ang alak!

Pinasakay niya muna ako sa kotse bago siya umikot sa drivers seat.

"I can't lose my scholarship, Geh." I was thinking about my classes after the break.

SUN AND MOON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon