Chapter Six

2.3K 106 105
                                    

EXTREMELY RELOADED

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EXTREMELY RELOADED

This Is Not In The Book

💖💖💖

GERARD

Naiwan kaming nakatanaw ni mommy sa papalayong kotse na maghahatid kay Annie sa bahay nila.

Napatagal ang kuwentuhan nila, hindi talaga ako kasama. Parang si mommy pa ang nambakod kay Annie. I couldn't get her alone.

I mean, I am happy na gusto siyang kausap ni mommy. Of all the women I have been with, sa kanya lang ito napalagay. At hindi ko pa girlfriend.

But I have this feeling na sadya ang lahat ng pangyayari. My mother planned this dinner and what happened in here tonight.

Alam niya kanina kung saan ako pupunta. Before I go tinanong niya pa kung makikita ko si Annie. And I answered, I hope so, scholar 'yon, eh.

So, it was a drama that she sounded surprised nang malaman niya na niyaya kong mag-dinner 'yong isa at kasama ko sa kotse.

She even cooked kahit alam ng lahat dito sa bahay na nag-uuwi si daddy ng pagkain kapag gabi dumadating so they can have dinner together. Hindi niya inoobliga si mommy na magluto.

Halos araw-araw tinatanong niya kung nakita ko si Annie na lagi kong sinasagot ng: Hindi pa ako pumapasok ulit sa school kaya hindi kami nagkikita. And she knew that, potentially, ngayon ko lang makikita si Annie after almost two weeks.

Parang ang bilis ng mga pangyayari kanina mula nang iuwi ko dito si Annie hanggang sa ihatid siya ni Caloy. Ang family driver na usually si mommy lang naman talaga ang ipinagdi-drive.

My dad and I wants to drive ourselves that even the backups could just follow. Walang puwedeng sumakay sa amin na security o lantarang sumunod na convoy unless emergency at on protocol na manggagaling sa chief security ng buong Monteleon. Ibig sabihin niyon, may mabigat na death note involving big and powerful group.

At kapag magkakasama kaming lahat ay salitan din kaming mag-ama sa pagdi-drive.

Mom knew how to drive, but dad wouldn't let her. Kaya nandiyan si Caloy. Ngayon mukhang dalawa na ang ipagdi-drive nito. Si mommy at si Annie. I smirked at the thought.

Kapag mag-asawa na kami ni Annie, I might teach her how to drive, but like mom, I don't think I would allow her to drive herself. Unless ako ang pasahero niya, she is not driving at all.

I remembered exactly what happened earlier...

We ate, and then we went to the sitting room. Mom asked me to get a few things from the library a few times that when I finally got it, it was time for Annie to go.

Nakakadalawang oras na pala siya dito sa bahay at nagti-text na ang mother niya.

When I told Mom that I would bring her home. Annie made some kind of excuse that I wasn't expecting.

SUN AND MOON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon