Ang bestfriend ko ay ang pinakaguwapo, pinakamayaman at ang pinaka-notorious sa chicks na coed sa campus. Noong una ay parang hindi iyon matanggap ng mga tao. As simple as I was, hindi nila naiisip na wala akong malisya kay Gerard. Sa simula ay nasa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
💖💥💖
ANNIE
I therefore conclude na ang bestfriend ko ay ang pinakaguwapo, pinakamayaman at ang pinaka-notorious sa chicks na coed sa campus. Noong una ay parang hindi iyon matanggap ng mga tao. As simple as I was, hindi nila naiisip na wala akong malisya kay Gerard. Sa simula ay nasaktan din ako, but then I got immune to it. Nang tumagal ay balewala na lang hanggang nasanay na ang lahat na makita kaming laging magkasama.
Super saya si Lora dahil lagi kaming nalilibre kapag nakikita namin si Gerard sa cafeteria na mas madalas naman dahil halos sabay ang schedule ng break at lunch sa buong campus.
Sa anim na buwan na nakakaraan ay nakakaapat na na girlfriend si Gerard. Panglima ang kasalukuyan at nagbabalik na si Lisbet. Tatlo sa mga naging girlfriend niya ay nagselos sa akin kaya sila nag-break. At dahil sa wala naman akong ginagawang masama at ang mga pagkakataong nakikita nilang magkasama kami ni Gerard ay dahil tinatawagan niya ako, hindi ako guilty.
Lisbet was something else though. Kaya siguro pumayag si Gerard na magkabalikan sila dahil kahit ilang ulit na siyang nagseselos sa akin ay hindi siya nakikipag-break. Come to think of it, kahit ganoon ay ang mga babae ang nakikipag-break lagi kay Gerard at hindi naman ito. I was fine with that.
Kasalukuyan kaming kumakain sa McDonalds sa Divisoria nang tumawag si Gerard. Agad kong sinagot iyon habang itinitirik ni Lora ang mga mata. Minsan tingin niya ay napaka OA ko kapag si Gerard ang tumatawag.
"Nasaan ka? Kanina pa ako tawag ng tawag." parang iritadong tanong niya.
"Nasa Divisoria, hindi ba sabi ko sa'yo bibili kami ni Lora ng mga bagong T-shirts. Nabubutas na 'yong mga T-shirts ko sa sobrang nipis kaka-washing machine."
"Sinabi ko na sa iyong huwag ka diyan sa Divisoria mamimili baka kung ano pa ang mangyari sa iyo diyan!"
Pumiksi ako kahit alam kong hindi niya nakikita. "I'm fine, bakit ka ba tumawag?"
"Nasa airport ako papuntang Singapore. Naiwan ko 'yong isang file na nasa folder sa ibabaw ng chest sa kuwarto ko. Kulay red 'yong folder."
"Errr kukunin ko?"
"Yes, aalis na kami in two hours. Mag-taxi ka papunta sa bahay. Pinaaabangan na kita kay Caloy. Siya ang maghahatid sa iyo dito sa airport."
"Sa Tarmac?"
"Yes, Annie!" he said impatiently.
Tiningnan ko si Lora na tuloy lang ang kain. "Puwede kong isama si Lora?" Lora gaped at me.
"Yes, Annie, but don't let her inside my room."
"Iiwan ko siya sa foyer."
"Fine, pabigyan mo ng juice kay Manang."
"Okay."
"Bye, see you." He wouldn't hung up so I did.
Naiiling na ibinalik ko sa bag ang cellphone ko. "Samahan mo ako sa bahay nina Gerard, bilis!" Tumayo ako. "Oy!"