CHAPTER TEN

2K 115 53
                                    

EXTREMELY RELOADED

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EXTREMELY RELOADED

This Is Not In The Book

💖💖💖

ANNIE

Nang mawala sa paningin namin sina Tita Ana at Tito Gerry ay nagsukatan kami ng tingin ni Gerard. He turned to face me. We were standing at the foot of his custom size bed.

This was not the first time that I would be sleeping in this room. Kakakilala ko pa lang sa kanya. Unang sampa ko pa lang sa mala palasyong bahay na ito, I already slept here for hours.

But I was alone then. Having him around in the same bedroom, on the same bed, was a different story.

Hmmm, baka naman kasi ako lang ang nag-iisip ng ganito. Hindi naman siguro attracted sa akin si Gerard.

I mean, look at me.

Kumunot ang noo ko. Remembering what Tita Ana said earlier about the linens. "Correct me if I am wrong, but, 'yong dry clean. Tuyo 'yon di ba?"

He blinked, parang nag-isip, and then his eyes seemed to light up as if realizing something. And his expression darkened. His chiseled jaw clenched. He mouthed damn. Umakma siyang lalabas pero pinigil ko by holding his forearm.

He looked at my hand on his arm.

I wonder why? It wasn't, as if, first time ko siyang hinawakan. Binitiwan ko tuloy agad. "Sorry," I said right away.

Umiling siya. "It's fine. It's not your fault." He sighed heavily. "I just feel so stupid now that didn't think about it right away." Then he looked at the intercom that was mounted on the wall near the headboard of his bed. "See, I even forgot I have that. Lalabas pa talaga ako."

"B-baka natutulog na sila. Huwag mo nang abalahin."

He sighed for the nth time.

Ano ba ang sasabihin ko? Ang awkward. Nakakalungkot din. Ngayon ko nakikita na wala man lang talaga akong dating sa lalaking ito.

I was the safe best friend.

He couldn't even feel that he wanted to spend the night with me. Even if we won't do anything. Siyempre magkaibigan lang kami. Puwede naman maglagay ng pillow wall sa kama. 'Di ba?

Tumingin ako sa couch. Malaki naman iyon. Kasya ako do'n. Kung hindi niya ako gustong katabi, puwede naman ako doon. "I can sleep in the couch."

"No," mabilis na sagot niya.

"Hindi naman ako papayag na ikaw ang matulog diyan. Ang laki mo. Sasakit ang katawan mo."

Hindi siya kumibo.

Nakakahiya. Dapat yata umuwi na lang ako. Bukas na ako babalik. Puwede naman akong gumising nang maaga para pumunta dito at hindi ma-late sa flight namin.

SUN AND MOON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon