💖💖💖
GERARD
Isang linggo nang hindi pumupunta si Annie sa bahay nang i-corner ko si mommy sa greenhouse. She is the only one who would know the reason.
Sure, nagkikita kami sa school. Pero ibinalik niya sa akin ang ATM card na ibinigay ko. Tinanggap ko para walang gulo. Nakiramdam ako.
Dahil alam kong wala na siyang allowance galing sa akin, I make it a point na binibilhan ko siya ng snack sa cafeteria. Kahit ba sinabi niyang binilhan na siya ni mommy ng one year worth of unlimited food stamp. Iba pa rin 'yong ako ang nagbabayad kapag magkasama kami.
Still, I need to know kung bakit biglang hindi na siya pumupunta dito sa bahay.
"Ma, what is it with you and Annie?"
Huminto siya sa paggupit ng dry leaves ng rose at binitiwan ang gunting sa garden table. Inalis niya ang plastic gloves. "Ano bang sabi niya sa'yo?"
"Wala, napansin ko lang."
She sighed and sat on one of the wrought iron chairs. "Ako ang bahala sa amin ni Annie."
"No, tell me what's going on? Nag-uusap pa ba kayo?"
"Hindi, dahil hindi niya sinasagot ang mga messages ko aside from saying that she is busy nowadays. Baka naman totoo."
"No, Ma, tulad ko, si Annie ay exempted sa lahat ng midterm exams. Ano 'yong mga hindi niya sinasagot na messages mo?"
"Leave it to me. May kasunduan kami ni Annie. Sinabi mo ba sa kanya na wala na kayo ni Lisbet?"
"No, because I realized that you are right. Dapat ay hindi maramdaman ni Annie na may plano ako sa aming dalawa. She is too young. Lalayo siya sa akin."
Parang natigilan siya. "What's your plan then?"
"I'll take it one day at a time, kung ano 'yong kaya, I'll do it. Whatever she allows, I'll explore with her."
She averted her gaze as if thinking of something. "Eh, bakit mo sinabing ikakasal ka this year sa party, at bubuntisin mo 'yong babae."
"That's the thing, kapag nabuntis ang babae ay ikakasal kami. Kapag hindi, 'di hindi. People should learn to read between the lines."
"Na pressure ang lahat. Including Lisbet."
"She knows she isn't the one I am talking about."
"And yet, you are still keeping her. Kahit ba sa salita lang. Kailan mo sasabihin sa mga tao na wala na kayo?"
"I told her na kapag tinanong ako sasabihin ko na wala na kami. Kung hindi ako tatanungin, then I won't say a thing. That's the most that I can do. That is also because I don't want Annie to overthink. Ngayon ko napag-isipan. She is really so young, Ma. Ano ba ang iniisip mo noong eighteen years old ka bilang babae?"
BINABASA MO ANG
SUN AND MOON (COMPLETED)
Любовные романыAng bestfriend ko ay ang pinakaguwapo, pinakamayaman at ang pinaka-notorious sa chicks na coed sa campus. Noong una ay parang hindi iyon matanggap ng mga tao. As simple as I was, hindi nila naiisip na wala akong malisya kay Gerard. Sa simula ay nasa...