CHAPTER EIGHT

2.3K 109 83
                                    

EXTREMELY RELOADED

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EXTREMELY RELOADED

This Is Not In The Book

💖💖💖

ANNIE

"Sumama ka sa amin sa Hongkong this weekend until Tuesday."

Natigil ako sa pag-inom ang creamy latte at napatitig kay Tita Ana. Seryoso ba siya? "Po?"

"Sabi ko sumama ka sa amin sa Hongkong."

"Hmmm. Hindi po ako puwede mag-absent sa school."

"Bakit?"

"'Yong scholarship ko po."

"Annie, hindi sa sinasabihan kitang mag-bulakbol. Pero hindi mo kailangan magsunog ng kilay. Matalino kang bata. Ipagpapaalam kita sa Dean ng college n'yo."

Sa Dean talaga? Hindi sa prof? "Umm, magsasabi po ako kay nanay."

"Nakausap ko na ang nanay mo. Okay lang daw basta payag ang school."

I fake-ly sipped my drink again. Huminto kami sa coffee shop para magpahinga. Tita Ana was on a window shopping marathon. Pinapa-renovate niya ang buong kitchen at dining area nila.

We just came from Home Depot near their estate. "Ano po ang gagawin sa Hongkong?"

"Magchi-check ako ng mga furniture and fixtures. Dapat nga sa Europe pero walang time ang Tito Gerry mo. Sa Hongkong daw muna. Gusto ko kasing ma-feel ang texture no'ng mga nakikita ko sa catalogue."

Ang yaman talaga! "This weekend na po ba iyon?"

"Yes."

"Kailangan po ng passport?"

"Yes, huwag mong sabihin sa akin na wala kang passport? Palalagyan natin ng US at European Visa ang passport mo, para anytime ay puwede kang umalis kasama namin."

"Huh?" Parang namalikmata ako sa pagtingin sa kanya.

"Annie. Kailangang masanay ka na sa pamilya namin. You are already a part of us."

Hindi ko alam kung mapa-flattered ako o matatakot.

And then she asked as if it's nothing... "Anyway, gusto mo ba si Gerard?"

"Po?" Anong gusto?

"Kung gusto mo si Gerard bilang lalaki.

Uh! Bakit tinatanong ni Tita Ana ito? "Bilang lalaki?" ulit ko. Ayaw ko talagang mag-assume. Kailangang tama ang intindi ko sa sinasabi at tanong ni tita.

"Yeah, like, gusto mo ba siya maging boyfriend? In time, kahit hindi ngayon, siyempre bata ka pa. O, maging asawa, in the future?"

"Naku, Tita, hindi po."

SUN AND MOON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon