CHAPTER TWENTY SIX

2K 97 93
                                    

EXTREMELY RELOADED

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EXTREMELY RELOADED

A LOT OF PARTS ARE NOT IN THE BOOK

💖💖💖

ANNIE

"Oh my god! Aampunin ba ako nina Tita Ana. Are we going to be brothers and sisters?"

As soon as I said it, gusto ko agad bawiin. Nakita ko ang frustration sa mga mata ng best friend ko. Seriously, that was not what he is expecting to hear from me.

And that was really stupid on my part. Bakit naman ako kailangang ampunin nina Tita Ana? I made myself available for them all the time. Even with Geh. I even gave myself to him which I was not regretting.

At parang ang taas ba ng tingin ko sa sarili ko para isipin na gusto talaga nila akong maging kapamilya? I blushed again.

Ibinaba ko ang singsing sa box, gano'n din ang ginawa niya.

I saw how he controlled himself from speaking. Nakatingin lang siya sa akin. Batt'ling perhaps on what to say next with my own stupidity. Ahhh, tanungin na lang sana ako nito ng academics and give me time to answer. I'm sure masasagot ko. But this one! Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari.

"Geh, sabihin mo sa akin kung ano ang inaasahan mo sa akin. Kung ano ang gusto mong gawin and I'll do my best to do it." Dinampot ko ulit ang singsing. I looked at him.

Hindi na masyadong frustrated ang hitsura niya. I saw understanding there. 

Para sa saan? Saan ba ako nagkulang? Pakiramdam ko tuloy ay tino tolerate niya lang ang kaeng-engan ko. Kinuha ko ang kamay niya. I know na ganito 'yong sa mga marriage vows, nakakakilig. 

I was glad na pina-experience niya ito sa akin with him. This is a dream come true. Hindi ako aarte. I gestured to put the ring on his finger. "I promised you that I will always be with you, no matter what. Now and forever." Isinuot ko sa kanya ang singsing.

I saw when he smiled. Yes!

Kinuha niya ang kamay ko. "I promised you that I will love only you, now and forever." He inserted the ring into my finger.

Medyo natulala ako sa promise niya. I thought about it. Oh my gosh! I offered him na puwede siyang mag-practice sa akin and he just did! 

Gosh, for a while there, I thought that it was really for me! Goodness! Asa ka Annie. "Ang galing mo na, Geh. I'm sure mahuhulog na talaga sa'yo 'yong loob ng babaing nililigawan mo. Kahit hindi mo mabuntis 'yon magpapakasal na iyon sa'yo."

"What?" kita ko ang pagtataka sa mukha niya.

Ako naman ang bumuntong hininga. "I understand, Geh. Alam ko nagpa-practice ka sa akin. Approve ko 'yan."

He held my hand. "Annie. Hindi ako nagpa-practice sa'yo."

"Uh, hindi?"

"No."

SUN AND MOON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon