Ang bestfriend ko ay ang pinakaguwapo, pinakamayaman at ang pinaka-notorious sa chicks na coed sa campus. Noong una ay parang hindi iyon matanggap ng mga tao. As simple as I was, hindi nila naiisip na wala akong malisya kay Gerard. Sa simula ay nasa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
EXTREMELY RELOADED
This Is Not In The Book
💖💖💖
ANNIE
Grabe ang ka-busy-han ni Tita Ana. Hawang-hawa niya talaga ako. May personal siyang schedule para sa akin na ang ending ay natutulog ako sa bahay nila. It usually happens kapag wala si Gerard.
Madalas itong out of town or out of the country. Days lang naman. Minsan nga isang araw lang. Sa mga ganoong pagkakataon ay natutulog ako sa mismong kuwarto ni Gerard. Which he knew. Minsan nga ay tumatawag pa siya ng gabi at nagbi-video call kami habang nasa kuwarto niya ako.
Noong una medyo awkward dahil parang girlfriend o asawa lang ang peg. Pero noong nadadalas na at napatunayan ko na na malabong ma-inlove sa akin si Gerard, I became comfortable with it. Hindi na ako nahihiya.
Ang totoo, hindi naman talaga ako naging PA ni Gerard. Mas naging ampon ako ni Tita Ana. Although I was still doing Gerard favors when needed, mas maraming pagkakataon na si Tita ang nagpapatawag sa akin o nagri-request na magkita kami.
Pero hindi naman niya ako inuutusan. Parang naging companion niya ako. Hindi ko masabing alalay dahil lagi akong extra sa mga ginagawa niya. Halimbawa, kapag magpapa-facial siya. Ako din. Kapag magpapagupit or magpapa-treatment ng buhok, ako din. Kapag magpapa manicure at pedicure. Ako din.
For the very first time in my life naka experience ako ng mamahaling services. My nail polished were the gel ones na kailangan ibalik sa salon kung gustong tanggalin ng maaga. Otherwise, hihintaying ko na lang tumubo. Pero bago pa tumubo para magupit ko, bumabalik na kami sa salon para magpalinis ulit. Say, every two weeks.
Isa lang ang ginagawa ni Tita Ana na hindi ako kasama. Hard massage. Para kasing matatanggal ang buto ko. Kahit noong gawin nilang soft, nilagnat yata ako. Hindi na ako umulit. Understandable naman si Tita, kaya okay lang.
She'd met my nanay a few times. Nagkukuwentuhan sila sa bahay. Minsan ini-invite ni Tita si nanay na sumama sa amin, pero ayaw ni nanay dahil may regular schedule siya sa trabaho at sa bahay. Pero alam ko nahihiya lang ang nanay ko. Hindi ko na siya pinilit.
One day, just recently, tinigilan ko na ang kakaisip na kakaiba talaga ang mga nangyari mula nang makilala ko si Gerard. Mababaliw lang ako.
Sa school iba rin ang scenario. Gerard and Lisbet broke up about four months ago, pero laging may umaali-aligid kay Gerard na mga babae na kapag nakikitang kasama ako ay kandahaba ang mga nguso.
But it didn't stop them from wanting to have the man.
Feeling beautiful sila. In fairness maganda naman talaga, pero tulad ni Lisbet, self proclaim girlfriend ang tawag ni Gerard sa mga babae.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa kaibigan ko. Ang dating kasi lagi, parang utang na loob ng babae na pumayag siya na maging boyfriend nila. Just like Lisbet.