CHAPTER THIRTY ONE

2K 90 70
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

GERARD

"Lora, nasaan si Annie?" mabilis na tanong ko nang sabayan ko si Lora maglakad. 

I had been so busy the whole weekend at text lang ako ng text sa kanya. 

Hindi man sumasagot si Annie ay alam kong nakukuha niya ang mga text ko and if there was an emergency ay tatawag siya. 

I trusted her like that.

So, I allowed her to herself tulad ng sabi nina mommy at daddy. 

"Hindi mo alam?" nagtatakang tanong niya.

Nakaramdam ako ng takot. It was so sudden and I couldn't explain it. I was in panic right away. "Ang alin?"

"Nagbigay ng promissory note si Annie sa admin office. Since matatapos na ang school year at mami-miss niya ang finals ay mag-i-special exam siya pagbalik niya in a month time. But then, I don't know if that's needed. Exempted si Annie sa mga exams namin sa lahat ng mga subjects. Pero nagsabi siya na kung kailangan niyang magbayad ng service pagbalik niya, then she would serve at the cafeteria or the library at the entire summer to make up for everything."

Parang may dumunggol sa dibdib ko. "What? Saan siya pupunta?" Iyon agad ang naisip ko, hindi ko na naintindihan ang ibang sinabi ni Lora.

She shrugged. "Hindi naman niya sinabi pero may emergency daw sila sa family ng nanay niya. Aayusin lang daw nila iyon."

Emergency? Kay Nanay Anita? Why didn't I know these things? "When did you talk to her?" Why didn't she call me?

"Tumawag siya kaninang umaga bago ako umalis ng bahay."

"Then why the f*ck she didn't call me?" galit na tanong ko. Hindi ko na napigil.

Napamaang si Lora. "Baka naman tatawagan ka niya mamaya."

"No! If she called you, she should've called me first! Ikakasal na kami, Lora!" I told her. At wala akong pakialam kung naghintuan man sa paglalakad ang maraming estudyante at tumingin sa amin.

"I-ikakasal kayo?" shocked na tanong niya.

"It was announced over the newspapers and broadsheets yesterday."

"Uh! I'm sorry, hindi kasi ako nagbabasa ng newspaper kung hindi namin assignment. Pero, bakit kayo magpapakasal? Eighteen pa lang si Annie."

"I don't care about her age. We will get married." I felt irrational. I was irrational!

"Pero bakit?" parang naiiyak na tanong ni Lora. "N-nabuntis mo ba si Annie, iyon lang iyon 'di ba? For someone to get married this young. You are not old either, Gerard."

"Hindi siya buntis, hindi pa, I don't know. But she has to marry me." She has to marry me!

Annie has to marry me!

SUN AND MOON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon