💖💖💖
ANNIE
Isinuot ko ang puting t-shirt ni Gerard nang bumaba ako para mag-almusal. Kaunti na lang ay abot na iyon sa tuhod ko. Ipinaghila ako ni Gerard ng upuan sa tabi niya nang makita niya ako.
"Good morning," he whispered while kissing my cheek.
Namula ako. Napansin kaya nila na ngayon lang ako hinalikan ni Gerard sa pisngi sa harap nila? Kahit pa ba sa pisngi lang.
Si Tito Gerry ay nasa kabisera at si Tita Ana ay nakaupo sa tapat ni Gerard. Nag-serve ng almusal ang mga kasambahay. Pancakes, bacon, sausages, toasted breads, butter and jam at sliced fruits. Huling dumating ang itlog na iba't ibang luto.
"You have underwear in my closet," Gerard said na nilingon ako.
Napatingin ako sa kanya. Muntik ko nang mabitiwan ang itlog na kinuha ko. Dahil nahiya ako sa mag-asawa ay bumulong na lang ako habang naglalagay ng butter sa tinapay. "Bakit hindi mo sinabi kagabi."
"Hindi ko alam. Si mommy ang bumili sa London, ngayon niya lang sinabi sa akin."
I gasped. "Bakit alam ni Tita Ana na kailangan ko ng underwear?"
Biglang bumunghalit ng tawa si Tito Gerry. Gerard grinned. "Dad, will you shut up!" Pero lalo lang itong tumawa.
Si Tita Ana ang nagpaliwanag, as usual. "I asked Gerard. Nakita ko kasing suot mo ang underwear mo kagabi habang nasa swimming pool ka. Tinanong ko kung hindi ka naghanap ng underwear. Sabi niya pinatuyo mo iyong kagabi."
Biglang humarap sa akin si Gerard. Then he looked down below me.
Tinapik ko siya sa dibdib. "Suot ko iyong kagabi, tuyo na!"
Tawa pa rin ng tawa si Tito Gerry.
"Anyway, may dalawang box ng bra at lace bikini sa closet ni Gerard. Hanapin mo na lang," sabi pa ni Tita Ana.
I was still blushing when I asked: "Paano po kapag may pumuntang girlfriend ni Gerard diyan at nakita iyan? Para po ba sa aming lahat iyan?"
Mabilis na sumagot si Tita Ana. "That's yours Annie. Binili ko iyong mga iyon para sa iyo at alam ni Gerard iyan. Hindi niya iyan ipapagamit kung kani-kanino. Besides, hindi nagpapatulog si Gerard ng girlfriend sa kuwartong iyan. He knows the rule."
Napatungo ako. Guilty ba ako dahil sa ginawa niya sa akin kagabi? Dapat bang hindi na rin ako matulog sa kuwarto niya?
"By the way, uuwi ka pa ba? Anong oras ka makakabalik dito? Sinabi ba sa iyo ni Gerard na isasama kitang mag-shopping? At ang Nanay mo? Hindi ba siya puwedeng kumbidahin?" Sunud-sunod na tanong ni Tita Ana. This was also the first time na binanggit niya ang Nanay ko. This was getting serious! Ridiculous!
BINABASA MO ANG
SUN AND MOON (COMPLETED)
RomanceAng bestfriend ko ay ang pinakaguwapo, pinakamayaman at ang pinaka-notorious sa chicks na coed sa campus. Noong una ay parang hindi iyon matanggap ng mga tao. As simple as I was, hindi nila naiisip na wala akong malisya kay Gerard. Sa simula ay nasa...