Chapter Two

3.4K 105 21
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

ANNIE

Divisoria day namin ni Lora kapag Friday after class kaya nawala sa isip ko ang mga hindi dapat. I got myself a new jeans and t-shirt. Nanghingi ako ng one thousand kay Nanay na agad naman niyang binigay nang sabihin ko na bibili ako ng damit sa Divisoria.

Tatlong t-shirt at dalawang jeans lang kasi ang pinagpapalit-palit ko. Ang light brown Keds na sneakers ko ay pinaglumaan lang ng isa kong pinsan dahil bumili siya ng bago. Wala naman akong reklamo, ang importante sa akin ay may maisuot at makatapos ng pag-aaral.

Gabi na nang dumating ako sa bahay.

Wala pa si Nanay.

Ang trabaho niya ay namamalantsa para sa mga kapitbahay araw-araw. May schedule siyang tatlong bahay kada araw mula Lunes hanggang Sabado. 

Bawat bahay ay kumikita siya ng five hundred pesos. Ibig sabihin ay may one thousand five hundred dapat siya kada araw. 

Pero ang isa sa mga iyon ay ang bahay ng Mayor namin. Kay Mayor, seven hundred ang kita niya kahit mas madalas ay konti lang ang plantsahin niya dahil mag-asawa lang naman at wala pang anak si Mayor at ang asawa niya.

Sa simple naming buhay at maliit na bahay na nabili niya nang mag-resign siya bilang seawoman noong ipagbuntis niya ako ay malaki na ang one thousand seven hundred pesos kada araw. Multiplied by three. May limang libo mahigit siya kada linggo.

Nakakaipon pa nga si nanay kaya kapag biglang may kailangan akong bilhin ay naibibigay niya agad.

Nagba-bible study din siya tuwing gabi kasama ang mga kaibigan niya. Paiba-iba sila ng bahay na pinupuntahan pero mga kapitbahay din lang naman.

Pumasok ako sa maliit kong kuwarto at nagbihis ng pambahay. Naupo ako sa katre na may kutson at saka binuksan ang bag ko. Inihagis ko ang lahat ng pinamili namin ni Lora sa Divisoria sa plastic na hamper sa tabi ng kama ko. Tutulungan kong maglaba si Nanay bukas.

Inisa-isa ko ang mga laman ng fake na Jansport bag ko. Noon ko nakita at naalala ang notebook ni Gerard. It was brown and had a leather case.

Wala sa loob na binuklat ko ang mga pages. Walang sulat pero sa likod ay may phone number na isinulat gamit ang lapis. The penmanship looked like the Engineers handwriting, straight and clean. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-text sa number na iyon.

Hi, is this Gerard?

I waited for an answer pero walang nag-reply. I didn't try to ring dahil baka sagutin at kainin ang load ko.

Nahihiya akong manghingi kay Nanay ng pang-load dahil kakahingi ko lang ng pang-Divisoria. Titiyagain ko itong load ko hanggang next week. I decided to cook some dinner dahil alam kong hindi pa nakakaluto si Nanay. Madalas ay mayroong pagkain sa pinagdadasalan nila pero minsan ay wala.

SUN AND MOON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon