CHAPTER TWENTY NINE

1.8K 99 106
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

ANNIE

"Nay pupunta po ako kay Gerard doon ako matutulog."

Huminto si Nanay sa pagtutupi ng mga bagong labang damit ko na isinabog niya sa kama kung saan ay nakaupo ako. 

I pretended to look at my notebook and writing something. Hindi ko masalubong ang tingin niya. This was a test, hindi ako sigurado kung papayagan ako at hindi sasama ang loob ko kay nanay kung hindi man siya pumayag. 

Alam kong masama ang loob ni Gerard kanina and I didn't want him upset. Hanggang ngayon ay hindi man lang siya nagti-text. It had already been three hours mula nang ihatid ako ni Caloy sa bahay.

"Ano'ng gagawin mo doon?"

"Magpapaturo po ako sa research work ko sa Business Math."

"Dati mong hindi kailangan ang magtuturo sa iyo, Annie."

Hindi na ako kumibo.

Akala ko ay tapos na iyon ng ganoon pero bumuntong hininga siya. "Alam niya ba na pupunta ka?"

"Hindi po, magti-text pa lang ako if ever na papayagan mo ako."

Parang nahismasmasan si nanay nang mapag-alaman na hindi ko planong umalis talaga at pumunta kay Gerard. "Sige, uuwi ka pa ba bukas o diretso ka na papasok sa school ninyo?"

Tiningnan ko si nanay. Napangiti ako, hindi ko kasi mapigil. "Didiretso na po ako."

"Magbihis ka na at ipagtutupi kita ng damit na dadalhin mo."

Agad akong tumayo at nagbukas ng aparador. Of course I only have jeans to wear. Nagsuot ako ng maliit na t-shirt. Nakita kong nagliligpit ng pajama ko si nanay. "Binilhan po ako ni Tita Ana ng pantulog."

Tiningnan niya muna ako bago niya inalis ang pajama. Napailing siya. "Baka bukas makalawa magpaalam ka sa akin na doon ka na titira. Ano ba ang nakita nila sa iyo?"

Niyakap ko si nanay mula sa likod. "Kasi Nay mabait ako katulad mo. At higit sa lahat ay maganda ako at hindi abusado."

Hinarap ako ni nanay. "Basta huwag mo isusuko ang bataan. Aminado na tayong maganda ka at hindi katakataka na pagnasaan ka ni Gerard. Lalaki iyon, kahit ano pa ang sabihin."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi. I hope I wasn't blushing. "Iti-text ko lang po si Gerard." Kumalas ako kay Nanay at inabot ang cellphone ko na nasa kama. I texted my best friend:

The invitation for my sleep over in your house, is it still open?

Hindi sumagot si Gerard pero umalis na rin ako sa bahay. Dati naman akong pumupunta sa kanila. Chichikahin ko na lang muna si Tita Ana kung busy pa si Gerard.

Malapit nang mag-alas nueve nang dumating ako sa main gate. Hindi pa rin sumasagot si Gerard. 

Pinapasok ako ng guard at pinaupo sa wooden bench dahil kilala naman nila ako. Tinawagan ko na lang si Tita Ana. 

SUN AND MOON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon