CHAPTER TWENTY FOUR

2.3K 110 130
                                    

EXTREMELY RELOADED

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EXTREMELY RELOADED

💥💥💥

THIRD PERSON POV

Lisbet was crying so hard.

Si Annie talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito!

Ang mga tulad ni Annie.

Pabigat!

She shouldn't have this problem kung wala ang mga ito.

Bigla na lang lumalabas at dumadating sa buhay ng isang tao.

Uninvited!

And people would make decisions that they would regret in the end.

Tulad ng daddy niya!

Tulad ni Gerard!

They would realize the wrong thing they did when they cannot go back anymore. When it was too late.

Kailangang masagip niya si Gerard!

Kung hindi niya nasagip ang daddy niya. She should be able to help Gerard not to be trapped in this black hole that Annie was putting up.

Pinagsisisihan niya na ang pakikipag-break niya kay Gerard seven months ago.

Akala niya talaga ay hahabulin siya nito para magkabalikan sila. Honestly, ano naman ang mapapala nito kay Annie?

Bata, walang alam, walang asset, at hindi nababagay sa mundo nila.

Katulad na katulad ng babaing tinatago ng daddy niya.

But then, Gerard surprised her of having other women at lumabas na kaibigan lang pala si Annie? Matalik na kaibigan?

Apat na babae ang pinalampas niya bago siya nakabalik.

Lokong lalaki iyon! Akala niya talaga ay hindi na siya tatanggapin.

Nagsususpetsa na siya nang makipaghiwalay si April dito.

April was a good catch. Ang pamilya nito ay may stocks sa ERU, pero nainis din kay Gerard.

Hindi siya makapaniwala na pinalampas ni Gerard si April.

At lalong hindi siya makapaniwala nang tanggapin siya nito. Hindi umuulit ng girlfriend si Gerard. Why he accepted her back beats her for a while. Nag-isip siya kung bakit. Pero hindi niya maintindihan.

Alam niya na hindi siya mahal ni Gerard. Wala silang pinag-uusapang ganoon. Walang ganoon sa mundo nila.

Siya lang ang nag-a-i love you minsan, pero lumabas lang iyon sa ilong niya. Hindi niya din mahal ang lalaki. Wala siyang kapasidad magmahal. And that was normal in their society.

Gerard and her will be good together.

Alam niyang nagpapakipot lang ito. Mahuhulog din ito sa kanya.

That was everything she was thinking about.

SUN AND MOON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon