Napakuyom ang mga kamao ko kasabay ng paglunok. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, hirap na hirap akong lumingon sa kan’ya. Humugot ako ng malalim na hininga bago sinubukang humarap pero huli na dahil nasa harap ko na siya ngayon. Malayo pa rin ang distansiya namin sa isa’t isa pero kung ikokompara sa kanina, mas malapit siya ngayon.
Mas kita ko na ang mga mata niya . . . ang mga matang pamilyar na pamilyar para sa akin kahit na sinasabi sa akin ng mundo ngayon na hindi talaga siya ‘yon . . . ang taong una kong minahal.
“B-Bakit?” tanong ko.
Lumunok siya bago nag-iwas ng tingin. “Hindi ko alam . . .” Nag-angat siya ng tingin sa akin bago ngumiti ng maliit. “A-Ayos ka lang ba?”
Nag-iwas ako ng tingin kasabay ng pag-init ng sulok ng mga mata ko. Sa tagal kong nabubuhay sa mundo, ngayon pa lang may nagtanong sa akin kung ayos lang ako. Bukod sa nanay ko, siya lang ang nagtanong sa akin ng bagay na ‘yon.
Bahagya akong tumawa bago ibinalik ang tingin sa kan’ya. “Oo naman.” I gulped. “Ikaw? Ayos ka lang ba?”
Ngumiti siya nang bahagya. “Uhm . . . n-nagugutom ako, eh. Gusto mo bang . . . sumama sa akin kumain?”
Bahagya akong napangiti pero hindi ko pa rin maintindihan ang sarili kung bakit palaging may sakit sa loob ko sa tuwing kaharap ko siya . . . sa tuwing kausap ko siya.
Dahil ba . . . umaasa akong siya ‘yon kahit na nilinaw naman na niya sa akin na hindi?
Tumango ako bilang tugon. “Sige . . . saan ba?”
Tumawa siya ng mahina. “Jollibee na lang, ah? Treat ko!”
Nagsimula na kaming maglakad paalis. Lalabas na sana siya sa main gate ng campus nang tinawag ko siya.
“Destinee . . .”
Napatigil siya sa paglalakad at ilang segundo pa ang nagdaan bago siya lumingon sa akin. Nakakunot ang noo niya na para bang may iniisip bago siya tumingin sa akin.
“Uhh . . . ‘wag na tayong maglakad. May dala naman akong sasakyan.”
Umawang ang bibig niya bago tumango saka naglakad ulit papalapit sa akin. Nagpunta kami sa parking lot ng university kung saan naka-park ang sasakyan ko. Pagkarating namin, mabilis kong pinatunog ang sasakyan bago siya pinagbuksan sa shotgun seat.
“Thank you.”
Isinarado ko na ang pinto bago ako umikot saka sumakay sa driver’s seat. Ramdam ko ang pagiging awkward niya nang tumingin ako sa kan’ya bago ko ini-start ang engine saka nagsimulang mag-drive papunta sa Jollibee.
Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan at pakiramdam ko, mabubutas na ang tainga ko sa kung ano mang nakaririnding tunog ang naririnig ko, pero napalingon kaagad ako sa kan’ya nang magsalita siya.
BINABASA MO ANG
Forgotten Seal Of Promises
Jugendliteratur|| fourth installment of "habit series" || Constantine Dominguez failed his qualifying exam in a course that he was forced to take. He has already decided not to continue studying college because he never really knew what course he wanted in the fir...