Chapter 20

78 7 0
                                    

     Almost a week have passed after that, hindi ko na ulit makausap si Destinee

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

    
Almost a week have passed after that, hindi ko na ulit makausap si Destinee. Hindi ko na kayang ipaliwanag pa ang mga ginawa at sinabi ko noon dahil alam kong wala nang excuse. Hindi ko na kayang humingi ulit ng pagkakataon na patawarin niya ako dahil alam ko, nasaktan ko ulit siya.

Siguro, hindi na ako magbibitiw ng pangako sa kahit na sino sa susunod kung ganito lang din naman . . . na hindi ko kayang panindigan at gawin. Bigla ko tuloy naisip, kung nandito ba yung Destinee na pinangakuan ko ng kasal after ten years, magagawa ko kaya ’yon o isa na namang panto-talkshit ’yon?

“Mukha kang b-in-reak ng girlfriend, ah?” Tumawa si Eunice. “Kawawa ka naman, Concon.”

Hindi ko na siya pinansin pa. Itinuloy ko na lang ang pag-inom mag-isa sa garden ni Mama habang si Eunice, nakaupo sa harap ko, kumakain ng pina-deliver kong pulutan.

“Ano bang nangyari, ha? Na-busted ka ba?”

Tumingin ako sa kan’ya nang masama. “Doon ka na nga sa loob.”

Tumawa siya. “Arte mo, ah? Sinasamahan ka lang, eh.”

I sighed. “Hindi ko kailangang ng kasama. Kaya nga dito ako umiinom kasi gusto kong mapag-isa.” Nagsalin ako ng tequila sa shot glass saka ininom. “Bakit kasi hindi ka pa magtrabaho o mag-review na para sa boards? Nauumay na ako sa mukha n’yo ni Veronica.”

She laughed. Kinuha niya ang shot glass ko saka sinalinan ng alak bago ’yon nilagok. Ngumiwi siya bago ibinaba ulit ang shot glass sa harap ko.

“Yan ba yung babaeng hinahanap mo pa rin? O yung kamukha?” Napakunot-noo ako. “Palagi ko lang naririnig sa inyo ni Earl kapag nagkukwentuhan.”

Napabuntonghininga ako. “Chismosa.”

Tumawa siya. “So, ano nga? Sinong pinoproblema mo?”

Napabuntonghininga ulit ako bago sinalinan ang shot glass. “Pareho.”

Humagalpak siya ng tawa. “Babaero ka talaga! Ikaw lang kilala kong babaero na ayaw pahalik!” Sinamaan ko siya ng tingin. “Magkwento ka na, dali! Bahala ka, mami-miss mo ’to kapag naging full-time employee na ako!”

Ininom ko muna ang alak bago nagsimulang magkwento. “Noong una, akala ko, iisang tao lang yung nakasama ko noon at saka itong nakakasama ko ngayon. Marami silang similarities na hindi mo maitatanggi na baka related sila--na baka iisa lang sila--kasi sobrang magkatulad talaga.”

Tumango-tango siya. “Hmm . . . tapos?”

“Magkaiba sila. Noong huling beses na nagkita kami, last week, doon ko napatunayan na nakita ko rin pala noon yung babaeng nakakasama ko ngayon . . . pero masyado pa akong bata mag-isip at mapagtanto lahat ng posibilidad. Na . . . baka yung kinukwento sa akin ng nakasama ko years ago na kapatid niya . . . ay yung unang babaeng nakita ko dahilan para mapansin siya.”

Forgotten Seal Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon