Nakatapos na kami sa prelims at handa na akong magbabad sa computer maghapon kaya nagmamadali akong umuwi nang mapatigil sa paglalakad dahil may babaeng humarang sa daraanan ko. Napalunok ako nang makita siya.
“D-Destinee . . .”
Buong akala ko, tinigilan na talaga niya ako pagkatapos noong isang beses na sinabi ni Crissa na umuwi na pala ako at wala na ang hinihintay niya sa harap ng building. Nagpalipas lang pala siya ng araw. Nandito ulit siya sa harap ko.
“Sorry na kung makulit ako. Gusto kasi kitang makausap.”
Napalunok ako. “P-P’wede ka namang mag-text sa akin at mag-set ng date, time at place . . .”
Ngumiti siya nang maliit kasabay ng pagyuko. “Natatakot kasi ako na baka pati texts ko, iwasan mo . . . tulad ng palagi mong ginagawa kapag alam mong lalapit ako sa ’yo.”
Napaiwas ako ng tingin dahil doon bago humugot ng malalim na hininga. “U-Uh . . . s-saan mo gustong mag-usap?”
Ngumiti siya. “Gusto ko ulit kumain ng manok.” Bahagyang namula ang mga mata niya. “Miss na miss ko na ’yon, eh.”
Tulad ng sinabi niya, kumain kami sa restaurant na palagi naming kinakainan. Nag-order kami ng isang buong roasted chicken saka sinimulan itong kainin. Tulad ng palagi kong ginagawa, ibinigay ko kaagad sa kan’ya ang drumstick saka ako kumuha ng pakpak na para sa akin.
“A-Ano palang pag-uusapan?” nakaiwas-tinging tanong ko.
“Beer.” Nag-angat ako ng tingin. “Wala pa pala tayong nao-order na beer.”
Napatango n lang ako bago nagtawag ng waiter. Lumapit naman kaagad ito para kuhanin ang order namin saka umalis. Bumalik itong may dalang dalawang bote ng flavored beer, dalawang Red Horse na namumuti sa yelo pa ang mga bote, isang maliit na bucket ng ice, tongs at baso.
Naglagay siya ng yelo sa baso saka sinalinan ng isang bukas nang flavored beer. Uminom siya doon bago nagsalita.
“Ito lang naman ang gusto kong gawin kasama ka kaya nilalapit-lapitan kita noon. Kaso, palagi mo naman akong iniiwasan at tinataguan.” She sighed.
Tumawa ako nang mahina. “P’wede mo namang ayain ang ibang friends mo. O kaya, si Solari.”
Ngumuso siya. “Kung friends noong high school ang ibig mong sabihin, hindi na yata kami close. Hindi ko alam. Simula noong bumalik ako dito, parang ilag na sila sa akin na parang hindi nila ako kilala.”
Napatango-tango ako. “How about college friends? Sabi ni Solari, you were friends with everyone,” I said.
Ngumiti siya nang mapait.
“Wala akong permanent circle of friends ngayong college. I want to be independently friendly with anyone so hindi ko alam kung sinong aayain ko. Solari will only scold me for something so I don’t want to ask her yet. Saka na. At may ibang best friend ’yon, she has to attend to her sometimes.”
BINABASA MO ANG
Forgotten Seal Of Promises
Teen Fiction|| fourth installment of "habit series" || Constantine Dominguez failed his qualifying exam in a course that he was forced to take. He has already decided not to continue studying college because he never really knew what course he wanted in the fir...