Chapter 01

198 8 0
                                    

    "Tara na, gago, may pasok pa tayo!" bulyaw sa akin ni Earl habang nasa loob kami ng computer shop

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   
"Tara na, gago, may pasok pa tayo!" bulyaw sa akin ni Earl habang nasa loob kami ng computer shop.

Nag-last game na kasi siya, eh gusto ko pang maglaro. Bahala siya maghintay d'yan kung gusto niyang sumabay sa akin pagpasok.

"Last game na."

Nagbuga siya ng malalim na buntonghininga. "Sabi mo kanina, last game ka na! Mali-late tayo! Baka isumbong ka na naman ni Eunice sa tatay mo! Yari ka na naman!"

I scoffed. "Hindi na natin siya kaklase. Nakakalimutan mo bang bagsak tayo, Earl?"

Humagalpak siya ng tawa. "Gago, oo nga pala! Punyetang engineering 'to, akala ko magko-computer at magdo-drawing lang tayo palagi!"

Pati ako, natawa na rin habang inaatake ko ang kalaban na tumitira sa tore namin. "Akala ko rin, eh!"

Makalipas ang mahigit kalahating oras, si Earl na ang nagpatay ng PC na ginagamit ko. Siya na rin ang nagtanggal ng headphone na suot ko kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang tumayo at magbayad sa counter ng oras na nagamit ko.

Pagkatapos, tinakbo na namin ni Earl ang pagitan ng internet café at ng USTTC, nagbabaka-sakaling umabot pa kami para sa unang klase namin ngayong hapon dahil 2:30 p.m. naman palagi ang pasok. Irregular naman na kami dahil naibagsak namin ang ilang subject kaya kampante akong aabot kahit na nag-one game pa ako kanina.

Habang mabilis kaming naglalakad sa hallway ni Earl, pareho kaming napatigil nang may humintong babae noong nasa gawi na kami ng College Of Nursing.

"Con, hi!"

Napaawang ang bibig ko. 'Tang ina, may girlfriend nga pala ako!

"H-Hi, Chelsea!" Tumingin ako kay Earl na ngayon ay sinesenyasan akong magpaalam na. "Sorry, may pasok kami. Nagmamadali kami ni Earl. Magkita na lang tayo mamaya."

Tumayo siya at ngumiti bago humawak sa dalawang balikat ko saka tumingkayad bago umakmang hahalikan ako sa labi. Mabilis kong iniwas 'yon kaya sa pisngi lang tumama.

"See you later!" pagpapaalam ko pa bago kami tumakbo ni Earl.

Habang papunta kami sa building namin  narinig ko ang tawa ni Earl.

"'Tang ina, lahat na lang ng naging girlfriend mo, gan'yan ginagawa mo. May allergy ka ba sa halik?" pang-aasar niya.

"Hindi sa gano'n."

Tumingin siya sa akin bago kami umakyat papunta sa third floor.

"Eh, ano? Lahat yata ng dahilan ng breakup n'yo ng mga naging ex mo, iisa lang."

Lumingon ako sa kan'ya. "Ano?"

Tumawa siya. "Bakla ka raw yata dahil never kang nagpahalik sa labi."

Nagtawanan kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa third floor. Hindi kaagad humupa 'yon dahil ngayon ko lang nalaman ang tungkol doon.

Forgotten Seal Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon