Chapter 27

72 7 0
                                    

   

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   

Tulad ng gusto ni Destinee, tuturuan namin siya ni Earl ng nilalaro namin. Gamit ang kotse ko, nagpunta kami sa computer shop na madalas naming pinupuntahan ni Earl para maglaro. Maganda kasi doon—hindi sobrang maingay, sakto lang. Bawal din manigarilyo sa loob kaya hindi nakakairita at higit sa lahat, p'wedeng um-order ng pagkain habang naglalaro sa loob.

Parang internet cafe sa mga korean korean na pinanood ni Eunice palagi kapag may oras siya. Yung mga poging lalaki na palaging tinitilian niya.

Nang makarating kami ro'n at makapag-park, hinawakan ko sa palapulsuhan si Destinee saka siya marahang hinila paakyat sa third floor. Nagkukwento rin si Earl sa kan'ya ng mga p'wedeng gawin at anong p'wede niyang i-expect do'n. Tahimik siyang nakikinig at hindi ako tinatapunan ng tingin.

"Expect mo nang maraming lalaki, ha? Tambayan talaga 'to ng mga adik sa online games eh," dagdag pa ni Earl bago binuksan ang pinto.

Ni-welcome kami ng lamig mula sa malakas na aircon sa loob. Lumingon sa amin ang mga taong naglalaro sa loob at ang iba'y kumakain ng cup noodles. Kumapit ang isa niyang kamay sa damit ko nang dahil do'n. Nahiya yata. Tumikhim ako bago ibinaba ang hawak ko mula sa palapulsuhan hanggang sa kamay niya, saka kami pumasok sa loob.

"Open time kami, 'tol! Tatlo! Bawal magkakahiwalay, ah?!" malakas na sabi ni Earl.

"Ge, upo na kayo sa 13, 14 at 15!" malakas na sagot ni Bong, ang nagbabantay ng shop ngayon.

Sa pagitan ni Earl at Destinee ako pupwesto para balanse. Bumitiw na ako sa kamay niya saka siya ipinaghila ng upuan. Ngumiti siya sa akin at nagpasalamat. Sabay-sabay na bumukas ang monitor sa harap, senyales na nagsisimula nang umandar ang oras namin.

"Walang Genshin Impact dito, bobo talaga," bulong ni Earl bago lumingon kay Destinee. "Valorant na lang ituturo namin sa 'yo, ah?"

Tumango si Destinee saka ngumiti. "Okay lang kahit na ano!"

Ngumiti ako bago lumapit sa kan'ya para buksan ang Valorant application. Ginawaan ko siya ng account gamit ang Google account na pina-sign in ko sa kan'ya. Naghintay sa amin si Earl sa lobby ng game hanggang sa tuluyan nang mai-set up ang account ni Destinee. Hindi na muna ako nag-sign in dahil tuturuan ko siyang maglaro.

"Mag-custom game muna," sabi ni Earl. "Accept n'yo ko."

Tumango ako. Dahil nahihirapan ako sa pwesto, tumayo na ako at pumwesto sa likod ni Destinee saka hinawakan ang mouse na hawak niya rin. Ipinatong ko rin ang isa ko pang kamay sa kamay niyang nasa keyboard para mas magamay niya ang mga pipindutin mamaya. Napalunok ako nang maramdaman na parang natigilan siya sa ginawa ko pero hindi ko na pinansin muna.

Saka ko na lang iisipin ang epekto niya sa akin kapag wala na si Earl dito. Hindi niya makikita ang kung ano mang nangyayari sa akin kapag nandito si Destinee dahil siguradong aalaskahin niya lang ako tungkol doon habang buhay!

Forgotten Seal Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon