Chapter 16

71 8 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Tulad ng napag-usapan namin no'ng gabi, matapos kong magpalipas ng hangover kinabukasan, nagkita kami ni Destinee no'ng sumunod na araw. Tinanong ko kung saan niya gusto. Kahit sa dati na lang daw naming kinainan ng isang buong manok dahil miss na niya.

At ngayon, naghihintay ako sa kan'ya, nakaupo sa bakanteng table, habang nakatitig sa pinto para tingnan ang bawat taong pumapasok sa loob. Tiningnan ko ang oras sa cellphone. Sakto dahil nag-text siya.

Destinee:

Malapit na! Sorry, may dinaanan lang kami ni Papa.

Ngumiti ako bago nag-reply sa kan'ya.

Me:

Take your time! :)

Sumandal ako saka pinatunog ang daliri sa table. Nagbuntonghininga ako dahil sa totoo lang, inagahan ko ang punta rito. Baka nga excited akong makita at makasama siya. Ngayon pa lang ulit kami magkikita simula nang ibinigay niya sa akin ang aklat. Susunod sigurong pagkikita namin after nito, enrollment na.

Ilang sandali pa, narinig ko ang pagtunog ng wind chime, dahilan para bumalik ang tingin ko sa pinto. Nakita ko siyang pumasok doon. Oras na makita niya ako, ngumiti siya nang malawak. Pinanood ko siyang maglakad papalapit sa akin.

Napalunok ako. Nakasuot siya ng pink na blouse na maluwag pero maikli sa kan'ya. Ano na ngang tawag dito? Hanging crop top nga ba? Tapos kulay puti ang short at sneakers niya. Ang sling bag na gamit niya ay kulay pink din. Nang maupo siya sa harap ko, may dalawang clip ulit sa magkabilang itaas ng tainga niya na puro bato.

Ang ganda.

"Pasensiya na, dumaan pa si Papa sa work niya."

Ngumiti ako. "Ayos lang." I chuckled. "Order na tayo?"

Tumango siya. "Oo."

Nagtawag ako ng waiter para ibigay ang order. Tulad ng una naming kinain dito, nag-order kami ng isang buong litsong manok at iced tea.

"Excited na ako. Miss ko na kaagad," she said.

I laughed. "Mas masarap 'to kung may beer."

Ngumuso siya. "Hindi naman masarap ang beer."

Lalo akong natawa. "Masarap 'yon. Lagyan mo lang ng maraming yelo siguro. Basta beer na sobrang lamig, masarap."

Humalukipkip siya habang nakahawak sa baba bago sumandal. "May flavored beer naman, 'di ba?"

I nodded. "Gusto mo ba?"

"Hindi naman ako malalasing do'n?"

Umiling ako. "Hindi. Try mo lang siguro yung isa. Kapag hindi mo kaya, ibigay mo sa akin."

Tumawa siya. "Sige, order ka na rin. Ako na ang magbabayad ng bill natin today, lagi mo naman akong nililibre."

Muli akong umiling. "Hindi na, ako na. Ako naman ang may gustong magkita tayo ngayon." Ngumuso siya. Natawa ako. "O sige, next time na kakain tayo, ikaw na ang magbabayad. Hmm?"

Forgotten Seal Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon