Chapter 30

91 6 0
                                    

     Nakatulog ako habang nagta-type ng story si Destinee sa tabi ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

    
Nakatulog ako habang nagta-type ng story si Destinee sa tabi ko. Hindi ko alam kung gaano 'yon katagal. Naramdaman ko na lang ang palad niya sa pisngi ko habang ginigising ako. Nang magmulat ako ng mga mata, nakatingin siya sa akin at nakangiti.

"Almost 6 p.m. na, uwi na tayo? Nasa labas na si Papa."

Iniangat ko ang ulo mula sa pagkakasubsob sa table. Inikot ko ang paningin sa loob ng library. Wala nang katao-tao bukod sa aming dalawa at sa librarian na nasa table na niya. Kung mayro'n man siguro, baka malayo na sa amin.

Tumango ako. "Ihahatid na kita."

Umiling siya bago isinukbit ang bag. "Makikita ka ni Papa. Magagalit. Mauuna na akong umalis. Tapos after five or ten minutes, saka ka na lang lumabas, hmm?"

Tumango-tango ako. "Text me when you get home."

"Ikaw rin, ingat ka sa pagda-drive."

Ngumiti siya bago tumayo pero bago niya pa tuluyang magawa 'yon, hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. Tiningnan niya ako nang nagtataka.

"B-Bakit?" natatawa niyang tanong.

Lumunok ako. "I just thought that I needed to . . . do this."

Kumunot-noo siya. Hindi ko na hinintay pa na magsalita siya ulit. Hinawakan ko ang likod ng ulo niya saka muli siyang siniil ng halik sa labi. Alam kong hindi niya inaasahan 'to sa lahat ng gagawin ko ngayon . . . pero hindi ko mapigilan. Ang imposible pero pati yung halik niya . . . napakapamilyar.

Pero ayaw ko nang banggitin pa ang tungkol do'n sa kan'ya.

Naramdaman ko ang pagkapit niya sa damit ko bago humalik sa akin pabalik. Marahan ko siyang hinila pa para mas mapalapit sa akin pero natigil din nang muli, suminghap siya, makalipas ng sampung segundong 'yon.

Ngumiti siya, namumula ang mukha hanggang leeg, habang nag-iiwas ng tingin sa akin. "U-Uwi na ako. Magti-text ako sa 'yo, hmm? Ikaw din! Ingat, Constantine!"

Pagkatapos n'on, umalis na siya, dala ang maliit na backpack at laptop bag. Napasandal na lang ako habang pinanonood siyang maglakad nang mabilis palabas ng library. Kinuha niya ang library card bago tuluyan nang umalis doon.

Tulad ng sinabi niya, naghintay ako ng sampung minuto sa library bago lumabas. Sa buong oras na 'yon, hindi ko magawang pigilan ang sariling pagngiti habang hinahawakan paminsan-minsan ang labi dahil naaalala ko.

Nang makauwi na, dumeretso ako sa k'warto saka nagbihis bago ibinagsak ang katawan sa kama. Nabasa ko ang text ni Destinee.

Destinee:

Nakauwi na ako. 💛

Napangiti ako nang makita ang puso na 'yon bago nag-reply.

Me:

Nakauwi na rin ako. 💛

Me:

Tawag ako?

Forgotten Seal Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon