Sinabayan kaming kumain ni Mama. Masayang nagkukwento naman si Destinee ng mga nangyari habang nasa Manila siya."Hindi ko talaga kayang mag-aral at iwanan si Mama noon mag-isa. Hindi p'wedeng umalis si Papa sa work dahil hindi kami kakain. Si Manang naman ang gumagawa ng lahat noon sa bahay. So, I stopped studying, tutal, hindi rin naman ako matatahimik sa school sa sobrang pag-aalala."
Tumango-tango si Mama. "Ano pa? 'Yon lang ang naaalala mo?" Hindi sumagot si Destinee. "Natatandaan mo ba kung bakit . . . nagkagano'n ang mama mo?"
Nagbuntonghininga si Destinee, nakakunot-noo. "Sa totoo lang, hindi ko na rin po tanda kung bakit bumagsak ang health niya. Alam ko na dahil sa Major Depressive Disorder 'yon, pero yung mismong dahilan . . . hindi ko na masyadong tanda 'yon. Basta hindi ko ho kayo kinalimutan dahil ikaw ang tumutulong kay Mama noon."
Ngumiti si Mama. "Noong nabalitaan ko nga na Destinee Esquivel ang pangalan ng girlfriend nitong si Con, umasa akong ikaw 'yon. Alam ko na may possibility na mali kasi umalis na kayo ng Tarlac noon. Pero umasa pa rin ako. Alam kong maliit ang mundo kaya hindi ako bumitiw sa pag-asa na makikita ulit kita."
Marami pa silang pinag-usapan tungkol sa nakaraan kung saan psychiatrist si Mama ng mama ni Destinee pero kahit na isang beses, hindi naman nabanggit si Desiree. Walang nabanggit si Mama tungkol sa kapatid o kakambal niya. Siguro, alam niya rin na inililihim ng papa ni Destinee ang katotohanan.
Nang matapos kumain, inilibot ko siya sa kabuuan ng bahay. Nakita na rin naman namin na nasa iisang table na lang ang mga kaklase ko pati sina Solari at Earl. Si Veronica, kasama si Eunice at mga classmates nito, nag-iinuman din. Mukhang mas maayos na ang mood ni Veronica ngayon.
"Dito yung k'warto ni Manang. Minsan dito natutulog ang anak niya kapag dumadalaw sa kan'ya. Hindi naman makipot d'yan kaya kakasya kahit na apat pa," paliwanag ko.
Tumango-tango si Destinee. "Mabuti at hindi maid's quarter ang tawag n'yo d'yan?"
Tumawa ako. "Hindi naman maid ang turing namin kay Manang. Pamilya na rin namin siya. Tagal na siyang nagtatrabaho sa amin, natuto na rin kaming irespeto siya bilang parte ng pamilya."
Ngumiti si Destinee. "Super bait n'yo talaga. I can still remember how your mother helped us before. Palagi siyang nasa bahay para i-check si Mama. Super hands on din siya noong na-confine sa hospital nila si Mama. I finally knew that your kindness started from her."
Ngumiti ako bilang tugon bago patuloy na ipinasyal siya sa kabuuan ng bahay namin.
Gusto ko pang magtanong sa mga bagay na naaalala niya tungkol sa mga panahong 'yon pero natatakot ako na baka mamaya, may kung anong mag-trigger sa kan'ya dahilan para bigla siyang makaalala tungkol do'n. Hindi ako handa.
Pakiramdam ko tuloy, lalong lumiit ang mundo dahil magkakilala pala ang mga magulang ko at pamilya ni Destinee.
"Dito yung k'warto ko. Magkakatabi kaming magkakapatid. Dito si Veronica tapos si Eunice. Dahil ako ang gitnang anak, gitna rin ang k'warto ko sa dalawang babaeng maingay na 'yan." Tumawa siya. "Doon naman yung dalawang guest room."
BINABASA MO ANG
Forgotten Seal Of Promises
Teen Fiction|| fourth installment of "habit series" || Constantine Dominguez failed his qualifying exam in a course that he was forced to take. He has already decided not to continue studying college because he never really knew what course he wanted in the fir...