Chapter 10

81 7 0
                                    

    “Ma

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   
“Ma . . .”

Lumingon siya sa akin habang hawak ang hose na pinandidilig niya sa mga halaman. Linggo ngayon kaya naman wala siyang trabaho. Tuwing rest day niya, mga halaman ang pinagkakaabalahan niya, tulad ngayon.

“Oh, Con, anak?”

Lumapit ako sa kan’ya. “Good morning.”

Tumawa siya. “Anong kailangan?”

Nagbuntonghininga ako. “May kilala ka bang kambal?”

Umawang ang bibig niya bago lumingon sa akin. “Ha? Bakit mo . . . naitanong?”

Nagkibit-balikat ako bago humalukipkip at tumingin sa iba pa niyang halaman. “May kambal ba na pareho ng pangalan? Kunwari, pareho silang lalaki. Tapos, parehong Constantine ang pangalan nila. P’wede kaya ’yon?”

Narinig ko ang pagsinghap niya bago tumawa. “Akala ko kung ano. May gano’n naman. Nagkakaiba lang sa second name siguro. Kunwari, yung isa may John. Yung isa naman Mark.”

Napatango-tango ako. “Paano kung walang second name? P’wede kaya ’yon? Pareho sila ng pangalan?”

Napanguso siya. “Hindi naman siguro gagawin ’yon ng mga magulang nila. Kung isa lang ang pangalan, dapat magkaiba na. Kambal na nga sila, eh. Pati sa pangalan, pareho pa rin?” She laughed. “Identity ng bawat tao ang pangalan nila. Doon mo malalaman kung sino ang sino kaya siguradong walang magulang ang gagawa n’on.”

Napatango-tango ako bago napabuntonghininga. “Sige, salamat, Mama.”

Tunawa siya bago oinatay ang gripo. “Bakit mo naitanong, anak? May problema ba?”

Umiling ako. “Wala. May iniisip lang.”

Naupo ako sa bench ng garden niya. Siya rin naupo sa harap ko habang pinupunasan ng towel ang braso at kamay na nabasa dahil sa pagdidilig.

“Tulad ng? Baka makatulong ako.”

Tumingin ako sa kan’ya. “’Ma, posible bang magkaroon ng dalawang taong magkamukhang-magkamukha tapos pareho ng pangalan? Ang kaso, hindi sila related sa isa’t isa.”

Napakunot-noo siya. “Parang ang komplikado naman.”

Tumango-tango ako. “May nakilala kasi akong kaibigan noong junior pa lang ako. Isang beses ko lang siyang nakasama. Pagkatapos n’on, hindi na ulit kami nagkita. Tapos, nito lang, bago mag-sembreak, may na-meet ulit akong kamukhang-kamukha niya. Pareho sila ng halos lahat. Mukha, pangalan, nunal, labi, mannerism . . . mata. Ang pinagkaiba lang, yung nakilala ko noon, may kapatid. Itong kamukha niya na nakita ko ngayon, only child.”

Napakunot-noo si Mama pero hindi na nagsalita kaya itinuloy ko na lang ang pagkwento.

“Tapos, hindi niya naalala na nagkasama kami pero may alaala siyang iba sa araw na ’yon. Sinasabi niya na hindi raw siya ’yong hinahanap ko pero hindi ko magawang maniwala kahit binibigyan na niya ako ng maraming ebidensiya na mali ako. Posible ba ’yon? Dalawang magkaibang tao, pareho ng halos lahat--pati pangalan--ang pinagkaiba lang, yung pamilya at memorya nila?”

Forgotten Seal Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon