Chapter 60

138 6 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"D-Destinee . . ."

Oras na banggitin ko 'yon, bumaba ang palad niyang kanina'y nakahawak sa ukit ng pangalan ni Desiree, kasabay ng paglingon niya sa akin. Bahagyang nakaawang ang bibig na para bang ang huling bagay na inaasahan niya ngayon ay ang makita ako.

Ang laki ng pinagbago niya. Hindi ko maipaliwanag kung ano 'yon pero ramdam at kitang-kita ko ang mga pagbabago sa kan'ya. Pero hindi ko na 'yon inintindi pa dahil ang saya-saya ngayon ng puso kong makitang nandito na ulit siya. Makalipas ang mahabang panahon . . . nandito na siya ulit.

Sa wakas . . . nakita ulit kita.

Sana hindi niya ako nakalimutan.

Sana . . . naaalala niya lahat ng pinagsamahan namin noon.

Sana . . . hindi mangyari ang kinatatakutan ko.

Lumunok ako bago sinubukang humakbang papalapit sa kan'ya pero mabilis siyang yumuko nang bahagya at naglakad papalayo sa akin nang mabilis. Hindi ko man lang magawang kumilos o sundan siya ng tingin dahil hindi ko inasahan 'yon.

H-Hindi na ba niya ako nakilala?

Hindi ba niya gustong . . . makita ako?

A-Ayaw na ba niyang makita ako? Kaya ba base sa expression niya, halatang hindi niya inasahang makikita niya ako dito?

Ilang minuto pa ang nagdaan bago ako nagkaroon ng lakas ng loob para gumalaw at maglakad para sundan siya. Alam kong sa puntong ito, hindi ko na siya aabutan pero wala na akong pakialam. Kung kailangan kong pumunta sa dating bahay nila, kahit na alam kong hindi na sila ang may-ari n'on, gagawin ko . . . makita lang ulit siya.

Nang tuluyan na akong makalabas ng columbarium, wala na siya. Sinubukan ko siyang hanapin sa buong lugar pero napuntahan ko na halos lahat, hindi ko pa rin siya nakita.

Bumagsak ang dalawang balikat ko bago napatingin sa bulaklak na hawak.

Bakit ba ako nandito?

Nagbuntonghininga ako bago tumalikod at naglakad pabalik sa loob ng columbarium. Gagawin ko na muna ang dahilan ng pagpunta ko rito bago ang lahat. Pagkatapos kong madalaw si Desiree, dederetso ako sa paghahanap kay Destinee.

Nang makarating ako sa harap ng vault ni Desiree, may mga bulaklak nang nakalagay doon. Siguro'y mga inilagay ni Destinee kanina nang dumalaw siya. Nagbuntonghininga ako bago kuhanin ang mga bulaklak sa bouquet para ilagay kasama ng mga nandoon na pero napalingon ako sa katabing vault na may katulad ng puting bulaklak na na kay Destinee. Kumabog ang dibdib ko nang makita kung kaninong pangalan ang nakaulit doon.

Winona Y. Esquivel

Umawang ang bibig ko nang mapagtantong last year lang nang mamatay si Mrs. Winona. Pero kailan pa nandito ang urn niya? Sa loob ba ng isang taong wala ako rito para dumalaw kay Desiree, bumalik si Destinee at hindi niya alam na wala ako rito?

Forgotten Seal Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon