Natapos ang semestral break ko nang hindi nakikita si Destinee. Kahit na alam ko nang hindi siya yung Destinee ko, hindi ko maiwasang hanapin pa rin siya at gustuhing makita siya . . . kahit na sa malayo lang. Noong nag-enroll ako para sa second semester, kasabay ulit namin ang course nila pero hindi ko naman siya nakita. Hindi ko siya nakasabay mag-enroll. Hindi na ako nagtanong pa kay Solari kung kailan siya mag-e-enroll dahil baka kung ano pa ang isipin ni Destinee sa akin.
Baka nga naman ma-misinterpret ako, tulad ng sinabi noon ni Solari.
Kaya hinayaan ko nang dumaloy ang oras na wala akong ibang ginagawa kung hindi ang maglaro ng Valorant at makipag-inuman sa mga pinsan ko sa tuwing nagkakasama kami.
Nang magsimula ang pasukan, para akong tanga na excited pumasok dahil lang sa gusto ko na siyang makita. Pakiramdam ko tuloy, para akong nag-chi-cheat sa totoong Destinee ko dahil sa mga nararamdaman ko ngayon sa Destinee na nandito.
Hindi ko kaagad siya nakita noong pagkapasok ko. Dahil malayo ang building nila sa amin, inasahan ko na rin 'yon. Siguradong hindi kami talaga magkikita sa dami ng nag-aaral dito at sa layo ng distansya ng bawat building department. Talagang magkikita lang kung pareho kaming lalabas sa main gate o kung dadayuhin ko siya doon.
At s'yempre, dahil orientation pa lang naman, dinayo ko siya.
"Uy, hello!" nakangiting bati niya sa akin nang makalabas na siya ng classroom.
Tumingin sa akin si Solari nang nagtataka. "Oh, Con, anong ginagawa mo dito?"
Tumikhim ako bago nag-iwas ng tingin. "Bawal na bang pumunta dito?"
Tumawa si Solari nang malakas. "May crush ka lang dito, eh. Ayie!"
Kumabog ang dibdib ko nang dahil do'n. Tumingin ako kay Destinee para makita ang reaksiyon niya. Maliit lang ang ngiti niya sa akin bago nag-iwas ng tingin.
"Uhh, uuwi na ba kayo?" tanong ko.
Tumango si Destinee. "Sinabi ko kay Mama na maaga ako uuwi. May pupuntahan daw kami pagkarating ko."
Napatango-tango ako. "Uhh . . . s-sige. Ingat."
Tumango siya bago lumingon kay Solari. "Ingat din kayo! Mauna na akong umuwi!"
Kumaway si Solari sa kan'ya bago humarap sa akin. Magsasalita sana ako nang makita na may lalaking lumapit sa kan'ya. Napakunot-noo ako bago tumingin doon.
"Solari, uuwi ka na?" tanong nito.
Umiling si Solari. "Hindi pa, Trevor. Pero aalis yata kami nitong pinsan ko. Mauna na ako, ah?"
Tumango ang lalaki na tinawag niyang Trevor. "Sige. Ingat."
Tuluyan nang bumalik ang atensiyon ni Solari sa akin. "Anong kailangan mo, ha?"
Umirap ako sa kan'ya bago sumandal sa terrace. "Sino 'yon? Boyfriend mo?"
Umirap siya pabalik. "Hindi, 'no! Class president namin 'yon. Bakit ba?"
BINABASA MO ANG
Forgotten Seal Of Promises
Teen Fiction|| fourth installment of "habit series" || Constantine Dominguez failed his qualifying exam in a course that he was forced to take. He has already decided not to continue studying college because he never really knew what course he wanted in the fir...