Chapter 13

72 8 0
                                    

   

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   

Nang matapos na naming linisin ang classroom nila, inihatid ko na kaagad siya pauwi. Hindi na siya nagsalita pagkatapos ko siyang mapakalma kaya alam ko na ang tamang gawin ngayon ay iuwi siya sa kanila. Mukhang wala talaga siya sa mood lumabas. Kahit sa sasakyan, hindi niya ako kinakausap.

Nang makarating kami sa harap ng bahay nila, tinanggal niya ang seatbelt bago lumingon sa akin.

"S-Salamat sa paghatid."

Ngumiti ako. "Can you text or call me later?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Ayos lang ba sa iba tayo mag-usap? Hindi talaga maayos ang pakiramdam ko, eh. I'm sorry."

Bahagyang umawang ang bibig ko bago ngumiti sa kan'ya. "A-Ayos lang. Hindi mo kailangang mag-sorry."

Tumango siya. "Ingat sa pagda-drive."

Matapos n'on, lumabas na siya ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay nila nang hindi ako nililingon. Nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko, napabuga ako ng malalim na buntonghininga.

Ano bang nangyari? Bakit siya nagkakagano'n at bakit hindi niya alam ang dahilan?

***

Buong exam week, hindi ko nakakausap nang matino si Destinee. Para siyang walang kagana-gana sa buhay at halos tulala lang sa tuwing walang ginagawa. Hindi ko alam kung maayos niya bang nairaos ang final exam niya nang dahil do'n. 'Wag naman sana siyang bumagsak.

Hindi ko rin siya naihahatid pauwi dahil simula noong inihatid ko siya pauwi, kinabukasan at no'ng mga sumunod na araw, naging hatid-sundo na siya ng papa niya.

Parang alam nito kung anong nangyayari sa anak niya . . . parang alam niya ang dahilan kung bakit nagkakagano'n si Destinee.

Huling linggo na ng pagpasok namin bago ang bakasyon. Hindi na ako pumasok pa dahil wala naman nang klase. Wala rin naman akong requirements na kailangang ihabol dahil naipasa ko na lahat. Sa halip, inabangan ko sa labas ang sasakyan ng papa ni Destinee na siguradong susundo sa kan'ya.

Mahigit alas-tres nang makita kong dumating ang sasakyan na pamilyar. Tinandaan ko na rin ang plate number para masiguradong 'yon nga ang sasakyan na hinahanap ko kaya naman nang makompirma ko na, naghanda na ako sa paglapit. Ilang sandali pa, lumabas ito ng sasakyan kaya naman hindi ko na inaksaya pa ang oras at lumapit na sa kan'ya. Nag-angat siya ng tingin sa akin nang nagtataka.

"H-Hello, sir."

Ngumiti siya sa akin. "Hello. How may I help you?"

Napalunok ako bago humugot ng malalim na hininga. "P-Papa ho kayo ni Destinee, 'di ba?"

Kumunot-noo siya. "Yes. Are you a friend of my daughter?"

Tumango ako. "Ilang araw ko na po kayong sinusubaybayan. Parang alam n'yo po ang nangyayari sa anak ninyo ngayon, eh. P'wede ko po bang malaman kung bakit siya nagkakagano'n ngayon?"

Forgotten Seal Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon