Chapter 44

87 6 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matapos umalis ni Rej, umalis na rin kami ng coffee shop. Si Eunice ang nag-drive kahit na wala pa siyang lisensiya. Nag-park siya sa isang restaurant na medyo malapit lang sa lugar.

"Con, magpakatatag ka, hindi ako p'wedeng mag-drive nang matagal kapag pauwi na tayo, wala akong lisensya!"

Hindi ako makasagot. Hanggang sa pagkain namin ng lunch, hindi ko rin magawang kumain. Nakadalawang subo lang yata ako, nawalan na kaagad ako ng gana. Sa huli, kinain na ni Eunice ang natira ko.

Ilang oras pa kaming nag-stay sa Manila. Nang naramdaman kong kaya ko na, niyaya ko na si Eunice umuwi. Wala pa rin sa ayos ang takbo ng isip ko dahil sa mga nalaman pero mas kalmado na ako.

Halos gabi na nang makauwi kami sa Tarlac dahil na-stuck pa kami sa gitna ng traffic. Hindi ako nagsasalita at ramdam ko sa mga titig ng mga tao sa bahay na nag-aalala sila. Kumuha lang ako ng alak sa collection ni Papa, ice cubes na inilagay sa maliit na bucket at baso saka lumabas at nagpunta sa garden. Hindi na ako kumuha pa ng kahit na anong pagkain para gawing pulutan dahil wala pa rin akong gana.

Sunod-sunod ang pag-inom ko ng alak. Sakto dahil Bacardi pala ito. At least, matatamaan kaagad. Gusto ko nang malasing nang mawala sa isip ko yung mga nalaman kanina . . . kahit sandali lang.

Gusto kong matuwa dahil hindi nga ako nagkamali noong una. Kahit binago ni Destinee ang ayos niya, ang personality niya, alam kong siya 'yon. Yung unang babaeng minahal ko . . . siya rin palang nakakasama ko ngayon.

Nakaka-proud at gusto kong ipagyabang na hindi ako nagkamali . . . na totoong kilala ko ang itsura niya--ang boses niya--ang lahat ng tinandaan ko sa kan'ya simula noong unang makasama siya. Pero kaakibat ng pagkompirmang 'yon . . . ganito kasakit naman pala ang kakambal nito.

Nabuhay siya sa pagkataong hindi kan'ya . . . dahil sa sobrang pagsisisi. Ngayon pa lang, alam ko na kaagad na ginawa niya 'yon dahil hindi niya matanggap ang pagkawala ni Desiree . . . kaya isinama niya sa hukay ang personality ng Destinee na nakasama ko noon tapos binuhay ang kay Desiree.

Nakulong siya sa buhay na hindi kan'ya . . . at ngayon, pati sarili niya, napaniwala na niya . . . hanggang sa umabot na sa puntong hindi na niya alam kung ano talaga siya--kung sino talaga siya.

Hindi na ba niya natatandaan kung sino siya noon? Kinalimutan na ba talaga niya na hindi siya ang ikinikilos niya ngayon?

Pero bakit gano'n? Pakiramdam ko, kahit na personality niya noon ang ginagamit niya ngayon, mamahalin ko pa rin siya nang sobra . . . tulad nitong nararamdaman ko.

Pakiramdam ko, kahit na anong personality pa ang gamitin niya, hindi magbabago yung katotohanang mahal na mahal ko siya . . . sa kabila ng lahat.

"Kumain ka."

Nag-angat ako ng tingin. Naupo si Veronica sa harap saka sinalinan ng alak ang baso ko bago 'yon ininom.

"Sabi ni Eunice, halos wala ka raw kinain kanina. Kaya kumain ka. Magkakasakit ka niyan kung magpapakalunod ka sa alak nang hindi kumakain ng kahit na ano."

Forgotten Seal Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon