Nang matapos kaming magmiryenda, sumakay na kami sa iba’t ibang rides sa loob ng amusement park. Nawala na yung pangamba ko dahil sa pananahimik niya kanina. Bumalik na siya sa pagiging maingay at masayahin. Mukhang nawala na yung kung ano man ang nakakapagpabagabag sa isip niya.Lumalalim na rin ang gabi at mukhang uulan na rin. Kailangan na naming umuwi.
“Destinee . . .” Lumingon siya sa akin habang naglalakad. “Uulan na. Uwi na tayo?”
Umawang ang bibig niya bago huminto sa paglalakad saka tumingala. Nakita ko pa ang paglunok niya bago lumingon sa likod. Nang sinundan ko ang tingin niya, nakita ko ang photobooth na gusto kong makita kanina.
Sumaya ang puso ko. Mabuti naman at nandito pa rin ’yon hanggang ngayon.
“Last na. Doon tayo?”
Napalunok ako’t napatitig sa kan’ya. Hindi ko alam kung guilty lang ba talaga ako kaya ko nararamdaman ’to o baka may kakaiba talaga ngayon sa kan’ya.
“Uhm . . . ’di ba m-may picture din tayo sa Dream Park dati? G-Gusto ko ulit ng gano’n d-dito . . .” She looked away.
Nagbuntonghininga ako bago tumango. Hinawakan ko ang kamay niya saka kami naglakad papalapit doon.
“Ipapa-laminate ko ang picture natin dito para hindi na kumupas,” sabi ko nang makarating na kami sa harap.
Hinawi niya ang kurtina saka kami pumasok dalawa. Pareho kaming nakatayo, magkaharap, sa makipot na lugar. Kung dati, kasyang-kasya kami dahil mga bata pa kami, ngayon makipot na sa aming dalawa at . . . mas mainit na sa pakiramdam.
“I-Is this the place where the two of you k-kissed?” she asked. I didn’t answer. “Uhm, y-you and your first l-love.”
Nagbuntonghininga ako. “Bakit mo naitatanong pa ’yan?”
Pilit siyang ngumiti bago humarap sa camera. Naghulog siya ng pera doon saka lumapit sa akin.
“P-Picture na t-tayo.”
Tumango ako at umakbay sa kan’ya. Nag-pose kami ng ilang beses bago namin hinintay na ma-develop ang dalawang picture namin na katulad ng size ng bookmark. Ilang minuto kaming tahimik sa loob at kinakabahan na ako nang dahil doon. Ilang sandali pa, lumabas na ang mga picture namin
Iba na ang design nito. Mas malinaw na rin ang picture pero nandoon pa rin ang retro vibes. Ibang-iba na nga lang ang quality nito ngayon kaysa sa unang picture namin dito.
“Uhm . . . ang ganda.” She smiled at me. “So . . . p-paano? I mean, I want to know how. H-How you and your first love k-kissed.”
Napalunok ako. Ayaw kong ikwento sa kan’ya at ma-trigger ang memory niya. Ayaw kong bumalik ang alaala niya nang dahil sa akin pero bakit siya nagtatanong nang ganito?
May alam na ba siya?
“H-Hindi naman ako yung humalik na una.”
Nag-iwas siya ng tingin, sunod-sunod ang paghinga. “P-Paano? G-Ganito b-ba?”
BINABASA MO ANG
Forgotten Seal Of Promises
Teen Fiction|| fourth installment of "habit series" || Constantine Dominguez failed his qualifying exam in a course that he was forced to take. He has already decided not to continue studying college because he never really knew what course he wanted in the fir...