Introduction

559 11 0
                                    

"Ako naman picture-an mo dito, Concon!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ako naman picture-an mo dito, Concon!"

Napabuntonghininga ako bago kinuha ang cellphone ni Solari bago siya nag-pose sa harap ng giant wizard mascot na naglalakad sa kabuuan ng amusement park. Ngumiti siya nang malawak saka nag-peace sign gamit ang dalawang kamay. Umirap ako bago siya kinuhanan ng picture.

"Ako naman!" sabi ng best friend niyang si Eureka.

Kumamot ako ng ulo bago isinoli ang cellphone ni Solari saka kinuha ang kay Eureka. Nag-pose din siya ng katulad ng kay Solari, tapos nagpa-picture silang magkasama. Pipindutin ko pa lang sana ang capture button nang mahulog ang cellphone ni Eureka dahil may isang barkadahang babae ang nagmamadaling maglakad, dahilan para mabunggo ako.

"Hala, sorry!"

Tumingin ako sa babaeng yumuko para pulutin ang cellphone ni Eureka na nahulog. Tiningnan niya pa ang bawat sulok nito kung may gasgas ba o sira. Iniabot niya sa akin 'yon pabalik.

"Sorry talaga! Wala namang sira o gasgas pero sorry, hindi ko talaga sinasadya! Hinahabol kasi namin yung pila sa roller coaster," mahabang paliwanag ng babaeng may kulot at mahabang buhok. May nakalagay na pusong hair clip sa itaas ng magkabilang tainga niya.

Tumango ako. "Ayos lang," simpleng sagot ko.

Nang makaalis na ang barkadahang 'yon, lumapit sa akin sina Solari at Eureka.

"Ang gagaslaw, ha!" reklamo ni Eureka habang tinitingnan ang bawat sulok ng phone niya.

Natawa na lang ako. "Makagaslaw ka. Grade eight ka pa lang, ah? Mas matanda pa yata sa 'yo 'yon."

"Dali na, picture na!" singit ni Solari.

Bumalik sila sa pagkaka-pose kaya naman binilisan ko na lang ang pagkuha sa kanila ng picture. Dinamihan ko na dahil paiba-iba naman sila ng pose. Bahala silang magsawa d'yan sa dami na 'yan, mga adik sa selfie! Pagkatapos n'on, kinuha na nila sa akin ang cellphone at nagpaalam na aalis na.

Halos taon-taon na yata kaming nandito pero palagi na lang silang nagpapa-picture sa bawat lugar! Wala namang nababago! Wala nga rin nadadagdag na rides!

Bumalik ako sa mga kaklase ko na ngayon ay nakapila para sumakay sa Vikings. Nakipila na rin ako dahil sila lang naman ang kasama ko. Mas gugustuhin ko pa sumama sa kanila kaysa gawing photographer nina Solari at Eureka sa bawat sulok ng lugar.

Nang makatatlong rides na, nag-time out sila sa pagsakay dahil lahat yata ng matinding rides, sunod-sunod naming sinakyan. Naupo na muna kami sa bench at nagpahinga. Ang ibang mga kasama ko ay nagtitingin na sa kabuuan ng lugar, naghahanap ng magagandang babae na p'wede nilang pormahan at hingin ang number.

Hindi lang kasi kami ang school na nag-field trip ngayon—marami. Kaya ang haba ng pila sa bawat rides. Pakiramdam ko tuloy, pagod na kaagad ako. Kulay orange na ang kalangitan at mas dumarami na ang estudyante ngayon kaysa kanina. Mas maingay na rin ang lugar. Parang gusto ko na tuloy bumalik sa school bus at matulog na lang.

Forgotten Seal Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon