Malakas ang pagbagsak ko ng shot glass sa lamesa matapos inumin nang straight ang whiskey. Tumawa si Earl dahil do’n.
“’Tang ina mo, na-busted ka ba?”
Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga. “Hindi, gago ka ba?”
Lumakas lalo ang tawa niya, nanaig sa kabuuan ng garden ni Mama. “Bakit kasi nagmamadali ka sa pag-inom, hindi ka naman mauubusan,” sabi niya bago ininom ang alak mula sa shot glass niya. “Magsabi ka naman, hindi ka na nagkukwento, ah?”
Umirap ako sa kan’ya bago sinalinan ng alak ang mga shot glass namin. “Wala namang ikukwento.” Nagbuntonghininga ako. “Ikaw ang hindi nagkukwento, nakakapanibago na ang saya-saya mo kahit wala ka namang sini-sex na girlfriend."
Natigilan siya sandali pero tumawa ulit nang malakas bago ininom ang laman ng shot glass. “May sini-sex naman.” Ngumisi siya. “Pero saka ko na ikukwento, kapag may sini-sex ka na rin.” Kumindat pa ang putang ina.
“Ulol.”
Ilang araw na ang nagdaan simula nang mag-usap kami ni Destinee. Hindi ko na siya nararamdamang sumusunod sa akin. Pati ang mga titig niya, wala na rin. Hindi ko na siya nakikita sa department para maghintay sa akin.
Simula din noon, wala akong ibang ginawa kung hindi lunurin ang sarili sa paglalaro sa computer para mawala siya sa isip ko pero parang wala rin k’wenta. Naiisip ko pa rin siya. Nasasaktan pa rin ako sa kan’ya . . . at para sa kan’ya.
Tumigil na siya. Dapat, okay lang sa akin pero ang sakit pala. Mas gusto ko yata na nand’yan lang siya.
Pero alam kong mali . . . hindi na p’wede ’to.
Humagalpak siya ng tawa. “Ano? Hindi mo ba susubukan magkagusto sa iba? Ano nang gagawin mo ngayon? Nahanap mo nga ang hinahanap mo pero hindi naman na pala kayo magkikita.” Hindi ako sumagot. “Yung Destinee . . . hindi mo ba susubukan sumaya sa kan’ya? Masaya ka naman noon, ah?”
Nagbuntonghining ako bago uminom sa shot glass. This time, siya naman ang nagsalin ng alak doon.
“Hindi p’wede.”
Tumawa siya. “Bakit naman hindi? Pati ba sa pagiging masaya, may ipinagbabawal?”
Nagbuntonghining ako. “Hindi boto sa akin ang papa niya,” sabi ko na lang nang matigil na siya. Kumuha ako ng chichirya saka kinain.
Kahit best friend ko pa si Earl, hindi ko kayang sabihin sa kan’ya ang mga nalalaman ko. Nangako ako na ibabaon sa hukay ang sikretong ’yon kaya dapat lang na gawin ko.
“Ano? Hindi ka lalaban? Hindi mo papatunayan na karapat-dapat ka para sa kan’ya?” Hindi ako sumagot. “Hindi ka man lang ba gagawa ng paraan para i-convince siya na payagan kang sumaya sa piling ng anak niya?”
BINABASA MO ANG
Forgotten Seal Of Promises
Fiksi Remaja|| fourth installment of "habit series" || Constantine Dominguez failed his qualifying exam in a course that he was forced to take. He has already decided not to continue studying college because he never really knew what course he wanted in the fir...