Monday came, she was the first person that came to my mind as soon as I woke up. Maaga akong gumayak at nag-prepare ng sandwich para sa aming dalawa kahit na hindi ko pa siya nasasabihan tungkol sa pagpasok ko nang maaga. Miss ko na siya at gusto ko kaagad siyang makita.“Ayos ka na, anak?”
Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko si Mama na naglalakad papalapit sa akin, mukhang kagigising lang. Itinuloy ko ang pagpe-prepapre ng sandwich sa kusina bago sumagot.
“Opo.”
Ngumiti siya. “Masaya akong nagkaayos na rin kayo ni Veronica. At . . . pasensiya na kung hindi ko masabi sa ’yo ang tungkol sa buhay ni Destinee. Wala lang talaga ako sa lugar.”
Ngumiti ako nang bahagya kay Mama. “Ayos lang ho ’yon. Naiintindihan ko naman. Kung sakali man na . . . maging psychiatrist ako, gano’n din naman ang dapat kong gawin. Kasama sa sinumpaang tungkulin n’yo ang patient’s confidentiality kaya naiintindihan ko.”
Ngumiti ulit siya bago ginulo ang buhok ko. “Masaya ako na naiisip mo ’yan pero hindi mo kailangang pasukin ang larangang ito dahil lang ito ang pinag-aaralan mo ngayon. P’wede kang maging hiring manager o pumasok sa law school tulad ng papa mo.”
Umiling ako nang paulit-ulit. “Buo na po ang loob ko. Papasukin ko ang mundong ginagalawan mo, ’Ma. Gusto kong makatulong kay Destinee kung sakaling dumating man ang panahon na malaman niya ang totoo.”
Lumungkot ang mukha niya. “Anak . . . nakakaubos ang trabahong ito. Maaaring fulfilling kapag natutulungan ang pasyente pero sa pakikinig mo sa hinaing nila . . . sa pagtulong mo sa kanila . . . mauubos at mauubos ka, lalo na kung hindi ka pa talaga sanay. Ikaw ang sasalo ng lahat ng sakit na pinakakawalan nila. Handa ka ba ro’n?”
Ngumiti ako bago tumango. “Handa ako, ’Ma. Matagal ko nang pinag-iisipan ’to. Simula nang ma-realize kong may kakaiba kay Destinee, pinag-iisipan ko na rin ang tungkol sa bagay na ’to. Gusto kong maging parte ng paghilom at tuluyang paggaling niya. At handa ako kahit ilang beses pa akong maubos, ’Ma.”
Nagbuntonghininga siya bago ngumiti, saka ako niyakap. Napangiti ako bago yumuko saka yumakap sa kan’ya pabalik.
“Anak, alam mong proud na proud ako sa ’yo. Kahit hindi mo piliin ang field na ’to, gusto kong malaman mo na sobrang proud ako sa ’yo--sa inyong lahat ng mga kapatid mo. Masayang-masaya ako na naging anak kita.”
Hinigpitan ko ang yakap sa kan’ya saka hinalikan ang ulo niya. “Ikaw ang paborito kong mama.”
Tumawa siya bago kumalas sa yakap. “Natural! Ako lang naman ang mama mo at wala ka rin choice!”
We both laughed.
Tinulungan na niya ulit ako sa pag-prepare ng mga sandwich pero this time, ako na ang gumawa ng halos lahat. Nagdala na rin ako ng chocolate drinks dahil gusto niyang magka-partner ’yon palagi. Hindi ko alam kung sino ang may-ari nito. Bibili na lang ako sa susunod para palitan.
BINABASA MO ANG
Forgotten Seal Of Promises
Novela Juvenil|| fourth installment of "habit series" || Constantine Dominguez failed his qualifying exam in a course that he was forced to take. He has already decided not to continue studying college because he never really knew what course he wanted in the fir...