Chapter 54

81 4 0
                                    

    Lumingon sa akin si Sir Alejandro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

    
Lumingon sa akin si Sir Alejandro. "Ano 'yon?"

Napalunok ako. "M-May idea ka ho ba kung bakit paulit-ulit niyang sinisisi ang sarili sa pagkawala ni Desiree? There were so many files. Hindi ko alam kung paano natin mahahanap yun dito."

Bahagya siyang ngumiti bago naupo sa gilid ng kama. Nagbuntonghininga siya bago nagsimulang magsalita.

"Destinee was a genius student. Pero matalino rin si Desiree. 'Yon nga lang, Destinee's always top one in everything without putting too much effort. Desiree always ranked second to her with excessive studying and exerting too much effort into getting the place."

Tumango-tango ako at tahimik na nakinig sa kan'ya.

"Winona gives bigger and better presents to the top one. Para naman sa nagta-top two lang palagi, smaller gift. Winona made them compete with each other nang hindi sinasadya. Ang gusto niya lang naman, maging mabuting estudyante sila."

Napabuntonghininga ako. "But her method is not good."

He nodded. "I know. Ilang beses ko siyang sinabihan noon na hindi maganda ang way ng pag-motivate niya sa kambal pero hindi siya nakinig. Palagi niyang sinasabi na mother knows best, at wala raw akong karapatang kumontra dahil hindi naman ako ang nagdala at nagluwal sa kanila."

Hindi ako nakapagsalita dahil do'n. Ang hirap nga namang labanan ng mga linyang 'yon.

"So, hinayaan ko. Though, I always encourage my children to not always listen to their mother. Hindi naman sa lahat ng oras, tama palagi ang mga magulang."

I nodded. That's what my mother always told us. Na huwag kaming matakot na i-call out sila kung mali na ang parenting nila sa amin. Pero hindi naman namin magawa kay Papa.

"Nakabuo ng insecurities si Desiree kay Destinee noon. Katwiran niya, wala naman itong ginagawang effort sa pag-aaral pero palagi nitong nakukuha ang best gift or best reward. She thinks it's unfair for her na palaging nagsisipag sa pag-aaral. Nag-away silang dalawa at hindi niya pinansin nang matagal si Destinee. And the latter was the dependent one. She made a promise."

Napakunot-noo ako. "What promise?"

He smiled a little. "Na hindi na siya magiging top one kahit kailan. Hindi na niya gagalingan sa lahat at hahayaan na niya si Desiree na makuha ang lahat ng best gift or best reward basta magpapansinan ulit sila. Magiging second na lang palagi si Destinee sa lahat at si Desiree ang first. Basta mag-best friend ulit sila katulad noong mas bata pa sila. And they sealed it with their pinky fingers. Ikinwento sa akin ito ni Desiree noon."

So . . . si Destinee nga ang mas dependent sa kanilang dalawa. Tama nga dahil tulad ng pagpapakilala niya sa akin noong mas bata kami, wala siyang kaibigan maliban kay Desiree. Habang si Desiree, maraming mga kaibigan maliban sa kan'ya.

"And then?"

He sighed. "She did what she promised to her twin sister. She gave up her spot for Desiree. Nagkapalit na sila. Destinee became the top two and Desiree became the top one. Hanggang sa mga sumunod na taon ng elementary nila, pababa nang pababa ang rank ni Destinee hanggang sa mawala na siya sa top five. Winona was disappointed kasi inisip niya na limitadong oras lang ang pagiging genius ng anak niyang si Destinee. Pero wala siyang alam."

Forgotten Seal Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon