Nang sumapit ang araw ng Lunes, naghintay ako kay Destinee sa loob ng campus malapit sa gate para ihatid siya sa department building nila. Magkasabay ang first subject namin ngayon pero inagahan ko ang pasok dahil sinabihan niya ako kagabing maaga siyang papasok.“Hi!” She greeted me as soon as she stopped walking in front of me.
“Good morning,” I said.
Inilahad ko ang kamay. Ngumiti siya bago kinuha ‘yon saka kami magkahawak-kamay na naglakad paalis.
“Kumain ka na ng breakfast?” I asked.
Tumango siya. “Oo. Ikaw?”
“Oo rin pero nagdala ako ng sandwich, gawa ni Mama, nasa bag ko. Kainin muna natin, may thirty minutes pa naman.”
Ngumiti siya bago tumango. “Sa rooftop na lang ng building namin. Bili na lang din tayo ng drinks sa cafeteria.”
Tulad ng sinabi niya, bumili na muna kami ng inumin namin. Chocolate drinks pareho ang binili ko dahil ‘yon ang gusto niya—gumaya na rin ako. Nagkape na rin kasi ako kanina kaya naisip kong ito na lang ang inumin. Baka masobrahan pa ako’t matulad kay Calista.
Nang paalis na kami ng cafeteria, nakasalubong namin si Crissa, nakatingin sa kamay naming magkahawak. Ilang sandali pa, tumingin siya kay Destinee.
“Tell me.”
Napakunot-noo si Destinee. “Hello. Ano ‘yon?” inosenteng tanong niya.
Hindi ko na napigilan ang tumawa nang bahagya. Hindi nila ako pinansin.
“Tell me na boyfriend mo na si Con.”
Napakamot ako ng ulo habang si Destinee ay naiilang na ngumingiti.
“Uhh . . . y-yes. Kahapon lang. Why?”
“Yes!!!” malakas na sabi ni Crissa bago niya niyakap si Destinee. “Congrats!” Pagkatapos, tinapik niya ang balikat ko. “Congrats! Salamat, buhay na ako this month!”
Umalis na si Crissa, iniwan kaming tulala sa naging reaksyon niya.
“A-Anong trip niya?” natatawang tanong ni Destinee.
Nagkibit-balikat ako. “Sorry, matagal na kasi nila tayong pinagpupustahan, pero hindi ako kasali. Nakapusta si Crissa na magiging girlfriend kita any time hanggang sa birthday ko. Nakapusta naman ang iba na maba-busted ako.” Umiling-iling ako. “Hindi pa nga kita nililigawan no’ng time na ‘yon.”
Tumawa si Destinee. “Hindi mo naman ako niligawan talaga.”
Nakaramdam ako ng hiya kasabay ng pag-init ng buong katawan ko hanggang mukha pero hindi na napansin pa ni Destinee ‘yon. Ipinagsawalang-bahala ko na lang din.
Pagkatapos n’on, dumeretso na kami sa building nila at tinungo ang rooftop. May ilang bench doon, mabuti may bakante pa kahit na may ibang mga tao naman. Kinuha ko sa bag ang kraft paper na naglalaman ng dalawang sandwich na katulad yata ng nabibili sa Egg Stop sa kapal.
BINABASA MO ANG
Forgotten Seal Of Promises
Teen Fiction|| fourth installment of "habit series" || Constantine Dominguez failed his qualifying exam in a course that he was forced to take. He has already decided not to continue studying college because he never really knew what course he wanted in the fir...