Dahil may printer naman sa opisina ni Mama sa bahay, ini-scan ko ang 2×2 picture ni Destinee para gumawa pa ng extra copy tapos itinabi ko ang original sa akin. Nang pumasok ako ng Lunes, nagdala ako ng isang scanned copy n'on para ibigay kay Destinee.
Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit may iba akong pakiramdam hanggang ngayon sa picture na 'to. Si Destinee ba talaga 'to? I mean, oo, siyang-siya nga ito pero bakit iba pa rin yung pakiramdam?
Ewan! Pati sarili ko nalilito na dahil lang nalaman ko na magkakambal sila ni Desiree.
Nang magkita kami n'ong lunch sa school, sabay kaming kumain. Hindi ulit ako sumakay sa mga kaibigan ko, tutal, buong araw naman kaming magkakasama sa loob ng classroom. Lunch at uwian ko lang nakakasama si Destinee kaya naiintindihan nila. Pero sana raw sa susunod, isabay ko na lang si Destinee sa kanila.
Habang kumakain kami ng lunch, nagsalita ako.
"P'wedeng makita ID mo?" tanong ko.
Tumawa siya. "Bakit? Ang pangit ng ID picture ko, ayaw ko."
Tumawa ako dahil do'n. "Dali na! May ipapakita rin kasi ako sa 'yo."
Ngumuso siya bago tinanggal ang suot na ID saka iniabot sa akin. Napalunok ako bago kinuha 'yon sa kan'ya. Nang iniharap ko 'yon sa akin, tumambad sa akin ang ID picture niya na halos 2×2 rin ang size pero mas maliit nang kaunti. Sa picture na 'yon, katulad na katulad siya ng nasa ibinigay sa akin ni Mama.
Ang pinagkaiba lang, mas nakakurba ang mga mata ng nasa 2×2. Dito sa ID ni Destinee, hindi gaano. Mas naniningkit ang mga mata ng nasa picture kaysa dito sa ID niya. At higit sa lahat . . . malinaw ang nunal niya sa ilalim ng mata na nasa ID, pero do'n sa picture na ibinigay ni Mama . . . wala.
Napalunok ako bago iniabot sa kan'ya pabalik ang ID. Napahigop ako sa softdrinks dahil mas lalo akong kinabahan.
"Bakit? Ano pala yung ipapakita mo?" tanong niya habang isinusuot ulit ang ID lace.
Kinuha ko ang wallet sa bulsa saka kinuha sa loob n'on ang 2×2 picture. Lumunok muna ako bago iniabot sa kan'ya.
"Ibinigay ni Mama sa akin."
Napakunot-noo siya bago tiningnang mabuti ang picture. Nakita ko ang bahagyang pagnginig ng kamay niya kasabay ng bahagyang pag-awang ng bibig.
"A-Ako 'to?"
Tumango ako. "Oo. Ikaw 'yan noong high school ka."
Nangilid ang mga luha niya bago ibinagsak ang kamay na may hawak sa 2×2 picture saka humawak sa ulo gamit ang isa pag kamay. Nanlaki ang mga mata ko.
"D-Destinee . . . anong nangyayari?"
Ipinikit niya nang mariin ang mga mata. "Ang sakit ng ulo ko . . ."
Umaagos na ang luha niya sa pisngi habang mahigpit ang hawak niya sa ulo. Napalunok ako bago tumayo saka suya binuhat.
"Dadalhin kita sa clinic, hmm?"
BINABASA MO ANG
Forgotten Seal Of Promises
Fiksi Remaja|| fourth installment of "habit series" || Constantine Dominguez failed his qualifying exam in a course that he was forced to take. He has already decided not to continue studying college because he never really knew what course he wanted in the fir...