Chapter 50

75 5 2
                                    

    Nang makauwi ulit ako sa bahay, hindi ko magawang kumilos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   
Nang makauwi ulit ako sa bahay, hindi ko magawang kumilos. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang magkulong sa k’warto at alalahanin lahat ng masayang pinagsamahan namin ni Destinee.

Yung mga alaalang nakalimutan na niya . . . at ako na lang ang nakakaalala ngayon.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas. Narinig ko na lang na may nagsipasok sa k’warto habang nakahiga ako.

“Constantine!”

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Solari. Nakita kong kasunod niyang pumasok ang mga kaklase ko na halatang nag-aalala ngayon. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tamad na naupo sa gilid.

“Narinig namin kay Tita Mariella yung nangyari.” Naupo siya sa gilid ng kama. “A-Alam kong hindi ka okay . . . pero magpakatatag ka, ha? Magiging okay rin ang lahat.”

Hindi na ako sumagot pa. Naramdaman ko si Crissa na lumapit at naglagay ng notebook sa gilid ko.

“Hindi ko alam kung anong nangyari kanina pero noong nalaman naming absent ka, gumawa kami ng notes para sa ’yo. M-Magpakatatag ka. Exam na natin sa Wednesday. Magiging psychiatrist tayo, ’di ba?”

Nag-init ang sulok ng mga mata ko matapos marinig lahat ’yon. Gusto ko lang namang maging psychiatrist para kay Destinee . . . pero paano na ’yan? Kakailanganin pa ba niya ang tulong ko kapag ganap na psychiatrist na ako?

“Con, magpakatatag ka. Babalik si Destinee. Babalik siya nang mas maayos kaysa noon  okay?” paalala ni Solari.

Nangilid ang mga luha ko. “Hindi ka na niya kilala.”

Mabilis na nagsiagos ang mga luha niya kasabay ng pagkagat niya sa ilalim na labi.

“E-Eh ’di m-magpapakilala ulit ako sa kan’ya. Madali lang naman. B-Basta maniwala ka, huh? Babalik siya. Magtiwala ka sa kan’ya.”

Tumayo siya mula sa pagkakaupo saka ako niyakap. Napahugot ako ng malalim na paghinga bago hinayaan ang sariling umiyak.

Hindi ko magawang magpakatatag lalo na’t naiisip ko, mag-isa lang siya doon. Kahit na nandoon naman si Mama at ang ibang mga doctor at nurse, hindi ko pa rin magawang kumalma. Hindi ko alam kung paano mag-isip ang totoong personality ni Destinee pero natatakot ako . . . lalo na’t sinabi sa akin kagabi ni Mama na nagpapakamatay raw ito.

Nang mga sumunod na araw, hindi ko magawang mag-aral man lang kahit kaunti. Nag-exam ako nang wala sa sarili kaya ine-expect ko nang mababa ang lahat ng score ko. Sinusubukan akong tulungan at pakopyahin ng mga kaibigan ko pero hindi ko kayang intindihin pa ’yon ngayon.

Wala akong ibang nasa isip kung hindi si Destinee at ang mama niya . . . at kung kumusta na ba sila.

Nang matapos ang exam week, pagsapit ng Sabado, tinanong ko kaagad si Mama tungkol kay Destinee. Anim na araw na siya ro’n pero hindi pa ako binabalitaan ni Mama.

Forgotten Seal Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon