Ang Unang Laban

16 3 4
                                    

Nazar

Tamang tama ang liwanag ng buwan at ang apoy mula sa aming harapan. Nakatingin ako sa dalawang bampirang babae. Kitang kita ang excitement sa kanilang mga mata. Inipit ko ng dalawang bato ang papel para hindi ito liparin ng hangin. Kinuha ko ang lubid at itinali ang dalawang bampira na magkatalikod sa isa't isa. Maging ang kanilang mga paa ay nakatali din at ang kanilang mga leeg. Kailangan magkadikit sila at hindi makakatakas sa aking pagkakatali.

"Sigurado na ba talaga kayo?" tanong kong muli sa dalawang babae.

"Oo sigurado ako." sabi ni Athena.

Hindi naman sumagot si Hanna. Napasulyap ako sa dalaga. "Nagdadalawang isip ka ba?"

"Athena, alam mong may malaking laman na magaganap hindi ba?" tanong ni Hanna kay Athena. "Naisip ko lang, paano kung kailangan nila ang tulong natin o kaya naman ay kailangan natin lumaban? Mahina ang tao, Athena baka ikamatay natin ang bagay na iyon."

"May punta si Hanna." sabi ko naman na tinalikuran ang dalawa. Hinawakan ko ang papel. "Pwede ko kayong tulungan sa bagay na ito. Pero kailangan ko din ng tulong nyo."

"Hindi ba't nais natin na ipaghiganti ang mga Eldest? Hindi natin magagawa iyon kapag tao tayo. Isa pa, si Bain, kailangan pa natin siyang...."

"Ito lang ang pagkakataon natin." sabi ni Athena. "Paano kung hindi na natin siya makita?"

"Gusto mo ng kasiguraduhan na makakabalik sa pagiging tao.." sabi ko.

"Maaring magbago ang isip mo kaya.." sabi naman ni Athena.

"Posible." sabi ni Nazar. "Pero kung magtutulungan tayo, tutuparin ang ipapangako ko na ibabalik ko kayo sa pagiging tao."

"Ang salita ay maaring itanggi..." sabi ni Athena.

"Nagtiwala ka sa akin na kaya ko kayong ibalik sa pagiging tao. Kung nagawa nyong magtiwala, bakit magdududa pa kayo? Kaya ko kayong ibalik sa pagiging tao sa pamamagitan ng papel na ito ngunit ang tanong ko, paano kapag kinailangan nyong iligtas ang sarili nyo? Ang sakit naman kapag wala pang 24 hours ng pagiging tao nyo may pumatay na sa inyo.."

Nagkatinginan sina sina Hanna at Athena.

Castor

Naramdaman ko ang panginginig at pagpapawis ng kamay ni Oceane. Kinakabahan siya at natatakot. Ngunit hindi ko alam kung saan siya natatakot. Sa nalalapit ba niyang pagkamatay o dahil kami ni Zaiden ang papatay sa kanya o baka naman dahil haharapin na namin ang Dark Lord? Ang dami kong tanong. Bakit kasali ako sa pagpatay? Bakit gusto niya na tulungan ko si Alfiro?

"Malapit na siya." sabi ni Dhara.

Nagtatago lang kami sa likod ng mg apuno at matataas na halaman. Sinabi na ni Levi na alam ng Dark Lord ang mangyayari kaya siguradong nakapaghanda na ito. Alam nito lahat ng nangyari at may isang bagay siyang hindi niya alam at iyon ay ang pagpatay sa Sorcerer, sa kanyang heir na si Oceane. Hindi niya alam ang totoong propesiya kaya naman lamang sila sa Dark Lord. Isang hooded figure ang huminto sa gitna ng gubat. Hindi namin makita ang mukha nito ngunit ang mapula nitong mata, sigurado akong bampira ito.

May isa pang dumating na hindi namin inaasahan. Napalingon kami sa bandang kanan ng gubat.

'Nazar..'

Napalingon ako kay Oceane na nakatingin din sa kinaroroonan ni Nazar. May kasama itong dalawang babae at sigurado akong bampira ang mga iyon. Nagtatago ang dalawa sa dilim gayunpaman, hindi ko man makilala ang mukha nila ay sigurado ako na babae ang dalawang iyon.

"Bain, alam namin na ikaw iyan."

Maririnig ang tawa mula sa naka hood at ang echo nito ay para bang nagmumula sa ilalim ng lupa. Hindi nito inalis ang hood niya. Napalingon ang dalawang bampira sa aming pinagtataguam.

Athena scoffed. "Ang dami natin kasama, akala ko tayong tatlo lang."

Napalingon si Nazar sa tinitingnan ni Athena. Hindi niya nakikita ang mga nagtatago sa di kalayuan nila ngunit alam niya na naroon sila. Alam din niya na nararamdaman siya nito at sigurado din siya na alam nito na naroon si Oceane.

Mayamaya ay dumating si Miranda kasama ang iba pang taga Ministerium at nakatayo sila sa likurang bahagi ng nakahood. Napapa gitnaan namin ang nakahood ng sandaling iyon. Napalingon naman si Brean sa amin.

"Magsimula kayong palibutan siya. Kailangan masiguro natin na hindi siya makakatakas." sabi ni Brean.

Kamasa ko sina Levi, Zaiden at Oceane tumayo kami sa bandang harapan ng nakahoodie. Naglakad naman sina Dhara, Brean at Marcus sa iba pang spot kung saan maikukulong namin ang nakahood. 

Unang naglabas ng kapangyarihan si Brean. Nagulat ang lahat ng naroon including sina Nazar at Miranda. Mukhang aatake na ang isa sa mga Spirit Guardian. Napatingin naman ako kay Oceane. Kailangan din niyang maglabas ng kapangyarihan niya. Sasabayan niya ang galaw ni Brean. Mula sa kanyang palad ay nakapag labas siya ng apoy. Mabilis naman akong sumugod at inatake ito ng pisikal. Kailangan namin makita ang mukha niya. Kung si Bain nga ang Dark Lord, hindi magiging madali ang laban. Nang matanggal ko ang hood niya na para bang sinadya nitong ipatanggal sa akin iyon.

Sumunod naman na sumugod ay ang dalawang babaeng bampira na kasama ni Nazar. Halos sabay sabay kaming umaatake ngunit nagagawa niyang iwasan at ilagan ang bawat pag atake namin. Sumugod na din sina Oceane at Brean na parehong ginamit ang kapangyarihan ng apoy. Ang hindi namin inaasahan ay ang paglalabas nito ng malakas na kapangyarihan. Napakalakas nito at hindi namin nakayanan kaya naman tumilapon halos ang lahat maliban sa apat na spirit guardian at kay Oceane. Nakatayo silang lima at nakapalibot sila kay Bain.

Isang malakas na alulong ang maririnig sa buong kagubatan. Mayamaya ay mapapansin ang dalawang kulay pulang mga mata na nakakubli sa madilim na bahagi ng gubat.

'Calin?'

Oceane

Lima kaming naiwang nakatayo pagkatapos ng malakas na enerhiyang inilabas niya. Ang apat na spirit guardian at ako. Unti unti din na naglalakad sa papalapit sa tabi ko si Calin at tumayo doon. Mapapansin ang kulubot na balat ni Bain, mukhang unti unti ng nagpapakita ito sa tunay niyang anyo. Mahaba ang mga daliri nito at may kulay itim na mahahabang kuko.  Ang mga ngipin ay lahat matutulis na para bang mga pangil. Wala rin siyang buhok ngunit hindi naman makintab ang ulo niya para sa isang kalbo.

Sumunod naman na naglabas ng kapangyarihan ay Marcus. Mapapansin ang paggapang ng mga ugat at baging papalapit sa kinaroroonan nila. Mabilis naumatake si Bain at halos hindi ito makikita o mapapansin ng ordinaryong mata. Ngunit dahil kakaiba at malalakas ang mga spirit guardian ay nakikita nila ang bawat galaw ni Bain. Ilang beses na natuyo ang mga baging at ugat ng puno na ginagamit ni  Marcus. Nagpalabas din siya ng malalaking bato sa pagitan nila ni Bain para hindi siya matamaan ng bawat atake nito. Mabilis na nakipambuno si Marcus. Hinayaan naman namin siya dahil napapalibutan na kami ng mga golem sa paligid. Matataas ito at mula sa bato. Agad na lumapit sa akin si Zaiden at Castor. Pinaggitnaan nila akong dalawa.

"Hindi nyo ako maaring protektahan. Kailangan kong lumaban." sabi ko sa kanilang dalawa.

"Kung ganoon lalaban kami kasama mo.." sabi ni Zaiden.

"Sa tabi mo..." sabi naman ni Castor.

Maging si Calin ay nakatabi sa akin na para bang pinoprotektahan ako. May kirot na naman akong naramdaman sa akin puso. Pinoprotektahan  nila ako kaya dapat ko din silang protektahan. Kailangan kong mamatay.

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 5: The Knight of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon