The Final Battle

18 3 8
                                    

Oceane

Mabilis na sumugod ang dark lord sa akin. Masmabilis na ang mga kilos nito kumpara kanina. Kung kumilos ito, katulad ng inaasahan ay parang sa bampira. Maliksi at malakas ang bawat pag atake ngunit nagagawa ko iyon iwasan. Salamat sa liksi at linaw ng mata ng isang elemento ng hangin. Nararamdaman ko ang bawat pagwasiwas ng enerhiya sa hangin papalapit sa akin kaya naman nagagawa ko iyon na iwasan. Napansin ko na imbes na mangamba ay nakangiti pa ang dark lord.

'Anong iniisip niya?'

Nararamdaman ko ang bawat paggalaw niya ngunit hindi ko inaasahan na madadaya siya. Ginamit niya ang isang kamay niya para linlangin ako ngunit gayunpaman hindi ko hinayaan na magtagumpay siya. Nahawakan ko ang isa niyang kamay at pumaikot doon ang apoy mula sa aking katawan.

"Ahhh!" malakas kong sigaw kasamay ng malakas na temperatura ng apoy na hindi niya inaasahan.

Nagpumiglas siya sa aking pagkakahawak ngunit masmahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya. Ginamit na niya ang kanyang mga tuhod para atakihin ako ngunit nagawa kong pigilan ang atake niya. Napansin ko naman ang paglapit ni Castor sa aming dalawa. Agad niyang ikinalawit ang isang niyang braso sa leeg ng dark lord at maslalong nagpumiglas ito dahil hindi ito makakilos sa ginawa ni Castor. Matapos kong gamitin ang elemento ng apoy ay ginamit ko naman ang elemento ng tubig para ipasok sa loob nito ang dark lord. Gamit ang elemento ng hangin ay itinulak ko palayo si Castor na ikinagulat naman niya. 

Naikulong ko sa loob ng malaking bola ng tubig dark lord. Kahit isa pa siyang bampira at hindi kailangan ng hangin, hindi siya makakatagal sa ilalim ng tubig. Muli kong inilabas ang elemento ng apoy na bumalot sa labas ng malaking bola ng tubig. Ipinaikot ko naman ang elemento ng hangin sa palibot ng pinagsamang kapangyarihan. Napalingon ako sa lahat at nakita ko na pinapanood nila ang nangyayari. Sumunod ay maingat kong itinaas ang aking dalawang kamay para kontrolin ang elemento ng lupa. Umangat sa lupa ang mga clay soil na aking sinadyang hanapin. Ipinasok ko iyon sa loob ng tubig at unti unting binabalot nito ang katawan ng dark lord.

Hindi ko inaasahan na may kontrolin pa rin siya kay Castor dahil nagulat na lang ako ng biglang lumapit sa akin si Castor at pinagtangkaan niya akong saktan ngunit isang puting liwanag ang dumaplis sa kamay ni Castor dahilan para umatras siya. Napatingin si Castor kay Zaiden samantalang nananatiling nakatitig ako sa dark lord. Hindi siya dapat makatakas kaya naman kahit saktan pa ako ni Castor ay tatanggapin ko.

Zaiden

Agad akong tumakbo papalapit kay Oceane. Bagaman nababalutan siya ng malakas na kapangyarihan ay nagawa kong lumapit sa kaya. Kailangan ko siyang protektahan, wala sa kanyang sarili si Castor. Mukhang kinokontrol siya ng dark lord. Hangga't may itim na aura sa katawan ni Castor makokontrol siya ng dark lord.

Mabilis na sumugod muli si Castor, mabilis siya at halos hindi ko na makita ang mga atake niya. Gamit ang mga spells at aking wand ay nasasalag ko ang iba niyang malalakas na atake ngunit karamihan ay hindi. Ilang beses akong lumipad at tumilapon na para bang papel at mabilis din akong nahawakan ni Castor sa leeg. Naramdaman ko ang pag angat ng aking katawan sa lupa maging ang aking mga paa. Hawak ng aking isang kamay ang kamay ni Castor na siyang nakasakal sa aking leeg. Ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa isa ko pang kamay na pinipigilan nitong gumalaw. Unti unti niyang binabali ang aking buto sa kamay.

"Avinere.."

Mula sa malayo nakita ko ang pag lipad ng aking wand at naramdaman ko na lang ang paglapit nito sa aking kamay. Maingat kong iginalaw ang ang aking isang kamay at itinutok ang dulo ng wand sa katawan ni Castor.

"Itakcre!"

Tumilapon palayo ang katawan ni Castor at bumagsak naman ako sa damuhan. Ilang beses akong inubo dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya sa aking leeg.

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 5: The Knight of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon