Next Spirit Guardian Water or Wind?

230 8 9
                                    


Oceane POV

Kakaiba sa pakiramdam, parang ang gaan gaan ko ngunit ang buong katawan ko ay punong puno ng enerhiya.

Ganito kaya ang pakiramdam ni Brean?

"Anong meron?"

Napalingon ako sa nagtanong, si Castor nakatayo sa aking likuran, kunot ang noo. Nakangiti ko siyang nilapitan.

"Wala naman, nakakapanibago lang ang ganitong pakiramdam, para kasing ang lakas lakas ko na.."

"Isang kapangyarihan pa lang yan, paano pa kung makuha mo ang iba pang natitira?" sabi ni Castor

"Eh di heaven siguro.." sabi ko sabay tawa

Nagsmirked naman si Castor saka nagsimulang maglakad. Mukhang palabas siya ng Academy.

"Saan ka pupunta?" tanong ko

"Kailangan ko kumain.." sabi niya

"Sama ako.."

Lumingon sa akin si Castor. "Kelan ka pa naging interesado sa lakad ko?"

"Wala naman klase diba? Maiinip lang ako dito."

"Maiinip o ayaw mo lang makita si Alfiro?"

Hindi ako nagsalita. Totoo naman kasi, ewan ko ba, irritable ako sa kanya mula nun huli kami magkausap.

"Ibang klase ka rin ano?" hirit pa ni Castor

"Oh bakit? Ano na naman yan?" maang kong tanong

"Naisip ko lang kasi, kung magkaron din tayo ng di pagkakasunduan, ganyan din ang gagawin mo sa akin."

"Ang alin? Ano bang ginawa ko?"

"Iniiwasan mo si Alfiro, wala na nga siyang ginawa sa'yo naiirita ka pa sa kanya."

"Teka nga muna, bakit ba gustong gusto mo akong makipagkasundo yata dyan kay Zaiden? Alam mo naman ang nararamdaman ko sa kanya diba? Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya sa akin?"

"So may galit ka pa rin sa kanya.. meaning you still have feelings for him, you're just denying it to yourself."

"Ofcourse not!" I stretched the word 'NOT'.

"D-d'you still love him?"

Medyo natahimik ako, hindi ko inaasahan ang kanyang tanong.

"Nag move on na ako.. but still, yun pain na ibingay niya nandito pa rin kasi di ko makalimutan. Napatawad ko na rin siya, but I- I can't just forget it and pretend. Siya ang first love ko and he also the one who cause this pain na di ko makalimutan."

Nagsmirked si Castor." Hindi mo naman sinagot ang tanong ko."

Tumalikod na siya at naglakad ulit, ako naman ay sumunod sa kanya. Iniharang ko ang aking sarili sa harapan niya, bahagya pa siyang nabigla sa ginawa ko.

"Bakit? Ano bang tamang sagot sa tanong mo?"

"Ano nga ba, Oceane? Ano ba ang dapat mong sagot sa tanong ko?"

Hindi ako nakakibo, nakatitig lang ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Alam naman ni Castor na gusto ko na siya, may feelings din siya sa akin pero bakit ganito? Nahihirapan kaming sabihin sa isa't isa ang nararamdaman namin.

"What?" tanong ni Castor

"H-ha?" bahagyang nagulat kong tanong

"With that stare, alam kong you want to say something. What it is?"

"Naisip ko lang kasi.."

Nakatitig sa akin si Castor, mukhang naghihintay sa sasabihin ko.

"N-naisip ko lang na, may feelings ka pa rin sa akin."

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 5: The Knight of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon