Death

16 4 4
                                    

Castor

Tiningnan ko si Nazar habang mabilis na tumatakbo papalapit sa isang puno para hanapin si Miranda. Ngunit hindi nakakilos si Nazar. Napatayo ako mula sa aking pinatataguan ng makita kong lumabas si Miranda at iwinasiwas ang kanyang wand sa kakaibang enerhiya na nakapulupot sa katawan ni Nazar. Nawala naman si Nazar at nagtago silang dalawa. Mabilis akong kumilos para tulungan sila ng makita ang mga piraso ng kahoy na siyang lumilipad papalapit sa kinaroroonan nilang dalawa.

Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko inaasahan na matatamaan ako ng piraso ng kahoy na bumaon sa aking tiyan.

"Castor!" sigaw ni Oceane mula sa di kalayuan.

Naramdaman ko na may humawak sa balikat ko at hinila ako papalayo para magtago.

Zaiden

Tinamaan ng piraso ng kahoy si Castor dahilan para matumba ito at agad naman itong tinulungan ni Nazar. Napalingon naman ako sa di kalayuan at napansin ko ang walang malay na malaking lobo.

'Calin...'

Nagmadali akong nilapitan si Calin at pilit kong itinutulak at hinihila ang katawan nito papasok sa likod ng isang malaking puno. Ngunit dahil sa laki nito at sa bigat nito ay nahirapan akong itulak ito. Gumamit na ako ng spell para maitulak.

"Didpresso!"

Mabilis na naitulak ng spell si Calin sa likod ng puno. Wala itong malay at hindi pa rin bumabalik sa anyong tao.

Oceane

Napatingin ako sa apat na guardian. Nagulat ako ng makita kung paano manghina ang mga ito dahil sa hinihigop ng itim ng usok ang kapangyarihan ng mga ito. Hindi ko akalain na ganito pala kalakas ang makakalaban ko.

Naglabas ako ng apoy sa aking palad at naging hugis phoenix ito. Napangiti naman ang Dark Lord at makikita ang excitement sa mga mata nito.

'Ikaw ang nakatakdang pumatay sa akin? Isang mahina ka lang na nilalang aking apo. Kung siguro ikaw ang aking anak na si Nazar baka may pag asa pa.'

Tumaas ang aking mga balahibo ng marinig ang tinig nito. Nakakatakot. Ngunit kailangan kong lumaban. Sumulyap muna ako kay Brean.

'Hindi ka mabibigo sa akin Brean.'

Mabilis akong naglabas ng isa pang apoy sa aking palad at pinagsama ko iyon sa aking dalawang palad. Lumikha ito ng isang malaking bolang apoy ngunit hindi ko iyon gagamitin ng buo. Hinayaan ko itong lumutang sa ere at kumuha ng pa konti konting apoy at hinulma ko iyon na manipis na para bang karayom at halos nasa 50 piraso ang aking nabuo saka mabilis kong inihagis sa Dark Lord ng paisa isa.

Mabilis itong nakailag at ibinabalik niya sa akin ang atake ko ngunit ginamit ko ang kapangyarihan ng tubig para gumawa ng shield. At pinagsama ko ang dalawang elemento at muli ko iyong inihagis sa dark lord. Ngunit katulad ng una ay naiiwasan niya ito na para bang alam niya ang ikinikilos ko. Napahinto ako sa pag atake ng makakita ako ng isang scenrio sa isipan ko. Bumuga ako ng hangin.

'Pinapasok niya ang isipan ko...'

Nagsimula akong huminga ng malalim. Parang tinutusok ng karayom ang isipan ko. 'Paano niya nagagaw iyon?'

Napaluhod at basa na ako ng pawis. Nagulat ako ng itaas ko ang sarili kong kamay. Hindi ako ang kumukontrol sa katawan ko. Ang mas ikinagulat ko ay bigla na lang napilipit ito na halos mapasigaw ako sa sakit. Binabali nito ang aking buto.

"Oceane!"

Dalawang liwanag mula sa magkaibang lugar ang nakita kong tumama sa dark lord ngunit napigilan ito ng isa nitong kamay atsaka itinulak ang dalawang liwanag at bumalik iyon kina Zaiden at Castor.

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 5: The Knight of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon