Oceane's Death

17 2 1
                                    

Zaiden

Natigilan ako ng makita ang ginawa ni Castor. HIndi ako makapaniwalang kinagat niya si Oceane. Ikinilos ko ang katawan ko ngunit may pumipigil sa akin na makalapit sa kanila. Napatingin ako sa aking paa may itim na usok na nakapulupot at ito ang pumipigil sa akin para lapitan si Oceane.

Ilang beses kong iwinasiwas ang aking wand para lang maalis ang itim na usok na iyon ngunit ayaw talaga nitong maalis. Nagulat na lang ako ng maramdaman ang magaspang na palad ng dark lord sa aking leeg at iangat ako nito sa lupa atsaka inihagis papalayo. Bumangga ang likod ko sa malaking tipak ng bato malapit sa bangin. Nalasahan ko na rin ang dugo sa aking bibig.

Oceane

"Castor..."

Naririnig ko ang pag-tunog ng kanyang dila sa kanyang mga ngipin at labi, at ang kanyang mainit na hininga sa aking leeg. Naramdaman ko ang malambot, nanginginig na labi sa balat ng aking leeg, at ang matutulis na pangil na tumigil doon. Unti unti ko ng nararamdaman ang hapdi sa aking leeg, ang pagbaon ng kanyang mga pangil sa aking ugat. Ilang sandali pa, nararamdaman ko na rin ang pagsipsip niya sa aking dugo. Noong una ay dahan dahan ngunit ang sumunod ay naging marahas na. Ang sugat na nilikha niya ay parang apoy na sumusunog sa aking leeg.

"Aahhhhh!"

Malakas kong sigaw dahil sa hapdi na nararamdaman ko na kumakalat sa buo kong katawan. Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak niya. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ng katawan ko. Pakiramdam ko ay nasusunog ako.

"Aahhhhhhhh!"

Paulit ulit ang aking pagsigaw. Ang pagsipa at pagpupumilit kong makalawa sa pagkakahawak ni Castor sa akin. Ang aking mata, nararamdaman ko na rin ang pag iinit nito. Ilang sandali pa ay binitiwan ako ni Castor. Pinahid niya ang kanyang bibig habang nakatitig sa akin. Mapula ang kanyang mata hindi dahil sa isa siyang bampira kundi dahil sa kanyang pag iyak.

"C-Castor..."

Nararamdaman ko ang paghirap sa aking paghinga. Maging ang tibok ng puso ko ay masmabilis sa normal. Ang leeg ko, umaapoy ang pakiramdam ng leeg ko. Ang katawan ko masakit din ang aking mga buto.

'Kamatayan ko na ba talaga?'

Nazar

Maingat kong isinandal ang katawan ni Miranda sa may puno. Ang galit na nararamdaman ko ay parang kumukulong putik katulad ng sa mga bulkan na nagnanais na makalabas. Napalingon ako ng marinig ko ang sigaw ng aking anak.

"Oceane!"

Nakapatong si Castor sa kanyang ibabaw habang abalang kinagat nito ang leeg ni Oceane. Nagmadali akong lumapit ngunit tumilapon ako sa di kalayuan. Tumama ako sa puno at nakadapang bumagsak sa damuhan.

"Castor, tumigil ka na!" sigaw ko.

Ngunit hindi tumitigil si Castor. Papatayin niya ang aking anak. Papatayin niya si Oceane. Nagmadali akong tumayo at muling sinubukan na lumapit ngunit tumilapon ako muli pabalik sa puno at sa pagkakataong iyon, isang piraso ng sanga ng kahoy ang tumusok sa aking tiyan at tumagos iyon sa katawan ng puno.

The Guardians

Nakita nila ang ginagawa ni Castor kay Oceane. Nakaupo silang apat at pinaglapat ang kanilang mga ipalad. Natutupad na ang itinakdang mangyari. Hinanap ni Dhara si Zaiden ngunit hindi niya ito makita. Kapag nagsimula sila ng ritwal kailangan mapatay na ni Zaiden si Oceane. Napatingin sa kanya si Levi.

"Anong pang ginagawa mo?" tanong ni Levi.

"Wala pa si Zaiden." sabi ni Dhara. "Kapag hindi niya napatay si Oceane bago ito tuluyang maging bampira. Katapusan na nating lahat."

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 5: The Knight of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon