Dark Lord Knows Everything

319 13 3
                                    

Nazar POV

Bahagya akong nabigla ng makilala ang hooded figure na iyon. Napalunok ako, sa tagal namin hindi nagkita, walang pagbabago sa kanyang mukha. Hindi nga mababakas sa mukha niya ang paglipas ng labing limang taon.

"Kamusta ka na, anak?" sabi nito

Malalim ang boses nito na para bang nanggagaling pa sa malalim na bangin.

"Hindi mo na ako anak.." sabi ko naman

Naramdaman ko ang paghawak ni Miranda sa aking braso, mahigpit iyon.

"Hindi pa naman kita itinatakwil sa kabila ng ginawa mo sa akin." Sabi nito

"Hindi mo na ako kailangan itakwil pa, dahil kusang loob akong nagtatakwil sa sayo bilang ama ko." Sabi ko naman

Isang malakas na tawa ang ginawa niya, umalingawngaw ito sa buong kagubatan. Nagkatinginan kami ni Miranda. Kahit pa sabihin na siya ang aking ama, hindi kumpleto ang aura niya. Ang malakas na aura na nararadaman namin ay hindi galling sa kanya, sa malayo, sa malayong lugar.

Nakatitig kami sa aking ama habang walang sawang tumatawa na bagay na hindi namin maintindihan. Lumakas ang hangin sa paligid, halos hindi na kami masyado makatayo sa lakas ng enerhiya na iyon.

"Nazar..." sabi ni Miranda

Napatingin ako sa tinitingnan ni Miranda, nanlaki rin ang aking mata katulad ng sa kanya ng makita ang taong nasa aming harapan.

Lumulutang sa ere ang hooded figure, ngunit wala na ang hood na tumatakip sa kanyang ulo, malinaw ng makikita ang mukha nito.

"Anak.. anak ko.." sigaw ni Miranda

Tumayo siya at mukhang lalapitan ang hooded figure na iyon. Pinigilan ko kaagad ang kanyang mga braso.

"Miranda, hindi siya ang anak natin." Sigaw ko naman

Napatingin si Miranda sa akin, hinawakan ko naman siya sa kabilang pisngi niya para kumalma.

Imposible na anak namin ang taong nasa harapan namin. Kanina lang ay si Baragor ang nakita namin..

"Mama..."

Napalingon na naman kami sa hooded figure sa harapan namin. Umiiyak ang anak namin habang nakadipa ang dalawang kamay nito.

"Papa tulungan mo ako... Mama.." sabi na naman nito

Hinarap ko ang hooded figure, itinutok ang wand sa kanya.

"Hindi mo kami maloloko pa.. Wala kaming anak.." sabi ko pa

Muli tumawa na naman siya ngunit hindi pa rin nagbabago ang anyo nito, kamukha pa rin siya ng anak namin.

"Itinatanggi mo ako bilang anak mo, Papa?" seryosong sabi nito

"Wala kaming anak ni Miranda.." sabi ko ulit

Kung hindi ko alam na kasama ni Castor at Old Elf ang anak namin, iisipin ko na siya nga ang anak namin ni Miranda. Ngunit alam ko naman na ligtas siya sa pangangalaga ni Old Elf bukod pa sa proteksyon na kayang ibigay din ni Castor.

Castor POV

Habang nakalutang sa hangin si Oceane, para bang may kinakausap itong iba dahil base sa kanyang sinasabi sumasagot ito sa mga tanong.

"Oceane.. Oceane.." sigaw ko

Ngunit para siyang walang naririnig. Sinubukan ko siyang lapitan ngunit may barrier na pumigil sa akin. Bumagsak ako sa damuhan habang nakatingin sa kanya.

Ano ito? Barrier?

Bumwelo ako muli para banggain ang barrier ngunit wala pa rin nangyari. Pinagsusuntok koi to, ngunit kahit anong lakas ng suntok at pwersa ang ibigay ko walang nangyayari sa ginagawa ko.

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 5: The Knight of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon