I Don't Want To Kill Her

34 4 1
                                    

Oceane

"Bakit nila ginawa yon?" tanong ko

Hindi sumagot si Castor, nagkibit balikat lang ito. Ganoon din si Levi

"Marahil para pigilan ang Dark Lord." Sabi naman ni Marcus

"Tama siya, kailangan manatili kang buhay habang hindi pa nila naisasalin sa'yo ang iba pang element." Sabi naman ni Zaiden

Huminga ako ng malalim, hindi ko na rin alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin.

Castor

Nakatayo sa tabing dagat si Oceane, yakap yakap nito ang kanyang sarili kaya naman nilapitan ko siya at dahan dahan kong inilagay sa balikat niya ang suot kong robe. Bahagya pa siyang nagulat.

"Anong iniisip mo?" tanong ko

Tumabi ako sa kanya, inilagay ko ang aking mga kamay sa aking bulsa habang nakatingin sa kanya.

"Malapit na ang birthday ko...dapat masaya ako diba?" sabi niya.

Pumatak ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi ngunit patuloy pa rin siya sa pagsasalita.

"Ang lungkot lungkot ng pakiramdam ko, ang hirap tanggapin na... malapit... malapit na akong mamatay." Sabi niya

Inilapat ko sa kanyang balikat ang aking kamay sabay hinapit siya papalapit sa akin, niyakap ko siya na siyang alam kong gawin sa ngayon.

Zaiden

Nakatingin lang ako kina Oceane at Castor sa di kalayuan, may kirot sa aking puso habang nakatingin sa kanila.

'Bakit sobra sobra ang parusa mo sa akin? Bakit kailangan ko pa maramdaman ito?'

"Anong ginagawa mo dito?"

Napalingon ako sa nagsalita, si Dhara kasama nito si Calin.

"Kamusta ang lakad nyo?" tanong ko na para bang hindi ko narinig na siya ang unang nagtanong sa akin.

"Hindi namin inabutan ang Dark Lord." Sabi ni Calin

"Marahil ay naghahanda na iyon sa kanyang susunod na hakbang. Kaya naisip ko na..." sabi ni Dhara

Tumingin ito kina Castor at Oceane sa di kalayuan.

"Ibigay na sa kanya ang element ko. Nakuha na niya ang kay Marcus at Brean, kaya panahon na para ibigay ko din sa kanya ang akin." Patuloy ni Dhara

"Dhara.." sabi ko sa kanya. Humarap naman siya sa akin. Naghihintay ng susunod kong sasabihin. "Kailangan bang mamatay talaga ni Oceane? Hindi ba pwedeng ibigay na lang ni Levi ang kanyang elemento?"

"Si Levi ang may pinakamalakas na kapangyarihan sa amin, at dahil doon, hindi niya maaring ibigay ang kanyang element ng basta basta katulad ng ginawa nila Brean at Marcus." Sabi ni Dhara

"Ibig sabihin, gusto lang nila subukan si Oceane kaya kinailangan niya lumaban sa dalawa?" tanong ko

"Ganoon na nga. Si Levi, kailangan maranasan ni Oceane ang bingit ng kamatayan bago maisalin ang kapangyarihan ng hangin." Sabi ni Dhara

Hindi ako nagsalita, napatingin na lang ulit ako kina Castor at Oceane.

"Hindi mo ba kayang gawin?" tanong ni Dhara

Napatingin ulit ako sa kanya pagkatapos ay ibinalik ko ang aking tingin kay Oceane sa di kalayuan.

"Alam mo ba kung ano ang totoong nakasulat sa tadhana ng Infinity?" tanong ulit ni Dhara ng hindi ako sumagot sa una niyang tanong

"Kailangan niyang mamatay para sa aming lahat, para sa mundong ito." Sabi ko naman

"Hindi." Sabi ni Dhara

Napakunot ang aking noo, madami na akong nabasang tadhana ng Infinity sa libro, mga sabi sabi ng matatandang wizard, ngunit bakit sinasabi ni Dhara na mali? Bakit hindi?

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 5: The Knight of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon