Castor
Nagising ako na para bang sakit ng aking ulo. Bumangon ako at naupo sa isang malambot na kama. Napalingon ako sa paligid.
'Nasaan ako? Anong nangyari?'
May kakaibang pakiramdam sa katawan ko. 'May nagbago ba? Anong nangyari?'
Napahawak ako sa aking ulo, nagtataka dahil sa natatandaan ko ay hawak ako ng Infinity. Ngunit anong nangyari? Bakit nandito sa.... napalingon ako sa silid. Isang malambot na kama, mabangong unan at kumot. Saglit akong natigilan.
'Naaamoy ko ito?'
Kinuha ko ang kumot at inamoy iyon. Napakabango, parang amoy ng isang bulaklak. Inamoy ko din ang aking unan. Katulad ng kumot ay napaka bango din nito. Anong nangyari ng gabing iyon? Isang katok sa pintuan ang nagpalingon sa akin. Tumayo ako at binuksan iyon, nakatayo si Nazar sa harapan ng aking silid habang nakangiti sa akin. May kakaiba sa kanya ngunit hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin.
"Ang tagal mong tulog. Masyado mo yatang ninanamnam ang pagiging tao." sabi ni Nazar.
"A-ano? Tao?" naguguluhan kong tanong.
"Ah, maliko ka na at magbihis. Sa hapag kainan natin pag usapan. Okay?" sabi ni Nazar saka lumapit sa akin at ginulo ang buhok ko.
Pinanood kong umalis si Nazar. Naguguluhan pa rin ako ng isara ko ang pintuan. Dumiretso ako sa banyo. Paghubad ko ng aking damit ay napasulyap ako sa salamin at didiretso sana ako sa shower ng matigilan ako. Mabilis akong bumalik sa harapan ng salamin at pinagmasdan ang aking sarili. Napahawak ako sa aking mukha. Nararamdaman ko ang mainit kong balat.
'Anong nangyari sa akin? Tao na ba talaga ako?'
Kitang kita ko ang repleksyon ko salamin. Ang namumula kong pisngi at labi. Ang kakaibang kulay ng aking buhok. Napahawak din ako sa aking dibdib at naramdaman ko ang pagtibok ng puso ko. Teka, normal na tumitibok ang puso ko. May naramdaman din akong kakaiba sa aking bibig. Kinapa ng aking dila ang aking ngipin ngunit wala akong naramdaman na matalas. Kumunot ang aking noo at ngumiti ako sa harapan ng salamin. Nanlaki ang aking mata ng wala akong makita na wala na aking pangil.
'Huh, nasaan na?'
Nalilito kong siniyasat ang aking ngipin, ilang beses din akong ngumanga sa harapan ng salamin hanggang sa magsawa na ako. Wala na akong pangil, namumula na din ang aking mga pisngi, tumitibok ang aking puso ay hindi ibig sabihin na hindi na ako bampira.
'Anong nangyari ng gabing iyon?'
Zaiden
Napahawak ako sa aking ulo habang nakaupo sa kama. 'Merlin's beard, anong nangyari? Nasaan ako?'
Napalingon ako sa aking paligid at kumunot ang aking noo. Nasa sariling silid ako. Nagmadali akong umalis sa kama at tumakbo sa may bintana. Sumilip ako doon at nakita ko ang aming bakuran. Totoo nga, nasa bahay na ako pero paano? Anong nangyari? Natatandaan ko ay nasa gubat ako ng gabing iyon.
Napalingon ako ng isang katok ang marinig ko mula sa pintuan ng aking silid. "Pasok!"
Mayamaya ay bumukas ang pintuan. Iniluwa nito si Seven, nakangiti ito ng makita ako. "Young master, Zaiden, mabuti naman at gising ka na."
"Seven alam mo ba ang nangyari? Paano akong nakauwi dito sa bahay?" tanong ko.
Pumasok sa loob ng banyo si Seven at binuksan ang heater saka muling lumabas. "Maligo ka na young master, naghihintay na sayo si young master Justin sa ibaba. Ihahanda ko na rin ang iyong mga damit."
Lumapit sa akin si Seven at itinulak ako papasok sa banyo. "Teka lang Seven..."
"Si young master Justin na ang bahalang magpaliwanag sa iyo, young master Zaiden." sabi naman ni Seven.
BINABASA MO ANG
Academy of Witchcraft and Wizardry Book 5: The Knight of Darkness
FantasyLumabas na ang nagtatagong kapangyarihan ng Infinity, ngunit katulad ng inaasahan kailangan niya ng gabay para makontrol ang kapangyarihan na ito. Ano ang magiging role ng Knight of Darkness sa Infinity? Paano na si Zaiden Alfiro kung matutupad ang...