Moving On

592 23 1
                                    

Castor POV

Dahil hindi naman ako sanay matulog talaga gaya ng ibang normal na wizard, maaga akong bumabangon sa aking higaan. Nauunahan ko pa nga ang pagsikat ng araw.

Pagbukas ko ng pintuan, madilim pa ang buong kabahayan, mukhang tulog pa ang aking mga kasama sa bahay. Dahil nakasanayan ko na ang paliligo pagbangon ko mula sa aking kama, didiretso ako sa banyo.

Paglabas ko ng aking silid at paghakbang ng halos apat na metro, nakarinig ako ng mahinang hikbi mula sa silid sa di kalayuan. Sing bilis ng hangin akong lumapit sa tapat ng pintuan, marahan kong pinakinggan ang tinig na aking naririnig.

Umiiyak na naman siya...

Huminga ako ng malalim. Plano ko sana na kumatok sa pintuan ng silid ni Oceane, baka kailangan niya ng kausap, ngunit hindi pa lumalapat ang aking kamao sa pintuan nagbago na ang aking isip. Tumalikod ako saka naglakad papalit sa banyo.

Habang patuloy na tumutulo sa aking katawan ang malamig na tubig mula sa tubong yari sa balat ng puno, hindi mapalagay ang aking isip. Gusto ko siyang tulungan ngunit may pumipigil sa akin, ang aking isip.

Tok Tok Tok

Napalingon ako sa pintuan, doon lang bumalik ang aking presensiya. Agad akong nagpunas ng katawan saka nagtapis ng tuwalya at binuksan ang pintuan.

"S-sorry.." sabi ni Oceane

Bigla itong tumalikod sa akin. Lihim naman akong napangiti.

"Ayos lang, tapos na naman ako.." sabi ko

Nagsimula akong humakbang papalayo sa banyo at sa kanya. Siya naman ay mabilis na pumasok sa CR. Hindi ko malaman kung ilang minute akong nakatayo di kalayuan sa banyo. Naramdaman ko na lang ang isang kamay na pumatong sa aking balikat.

"Kung matagal siya sa banyo, kumatok ka na lang.." sabi ni Nazar

Napatingin ako kay Nazar, mukha siyang bagong gising. Magulo pa ang buhok nito at mukhang di nakatulog ng maayos.

"Tapos na ako." Simpleng sabi ko

"Magbihis ka na Castor, may dalaga kang kasama dito sa bahay at hindi maari ang ganyang style mo.." sermon naman ni Miranda

Napalingon ako kay Miranda, katabi na nito sa labas ng pintuan ng banyo si Oceane. Tapos na itong maligo at nakabihis na. Nagtama ang paningin naming ngunit ako na rin ang mabilis na bumawi.

Calin POV

Malapit na naman ang pasukan. Tapos na ang maliligayang araw ko bilang lobo, kailangan ko na ulit magpalit ng anyo bilang tao sa loob ng limang araw.

Masaya akong nakikipaghabulan sa mga fairy sa kakahuyan ng maramdaman ko ang aura ng batang bampira. Papalapit ito sa kinaroroonan ko. Hindi ako nagtago imbes ay hinintay ko ang pagdating niya.

Mula sa itaas ng puno, napansin kong tumalon siya pababa sa bangin kung saan ako naroroon. Napansin ko pang napangiti siya nun lumapat ang kanyang paa sa lupa. Naramdam ako ng kakaiba.

"Bakit ka natitig sa akin?"

Bahagya akong nagulat sa biglaan niyang tanong. Hindi ko namalayan na halos isang dipa na lang pala ang layo namin sa isa't isa.

"H-hindi ako natitig sayo blood sucker.." sabi ko

Narinig ko pa ang bahagya niyang pagtawa. "Okay sabi mo eh."

Pagkasabi niya noon ay nagsimula na siyang maglakad, normal na lakad ng isang wizard. Nakatingin naman ako sa kanya habang papalayo. Ngunti hindi ako nakatiis.

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 5: The Knight of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon